^

Kutob

Marso 3, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Katotohanan ang maghahari sa akin sa tuwina.                                                                    

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Huwag kaagad sumuko. Magtimpi sa pagharap ng pagsubok sa buhay. Alalahanin, hindi lahat ng solusyon sa problema o hangarin ay makukuha sa isang iglap lang. Kadalasan mahihirapan muna bago makamit ang minimithi. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 37, 44 at jade green.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Magtiwala na ano man ang mangyari, makakarating ka rin sa patutunguhan. Maraming daan ang landas ng tagumpay subalit ang nag-iisang landas na sadyang inilaan sa iyo ay siya pang kinakatakutan mong tahakin. Baguhin ang mga plano. Lucky numbers at color for the day ay 2, 13, 25, 33 at maroon.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) –  Huwag gaanong magfocus sa isang bagay dahil mababalewala na ang iba na madaling pakinabangan. Huwag magmadali dahil lalo lamang magkakamali. Huwag hintaying mawala nang tuluyan ang isang bagay bago mapagtanto ang kahalagahan nito. Lucky numbers at color for the day ay 15, 27, 35, 40 at green.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Makakakilala ng tao na magiging daan ng kaunlaran sa buhay. Siya ang magsisilbing guro para matutunan ang maraming bagay sa buhay. Huwag pansinin ang ano mang maririnig na  masasakit na mga salita sa tahanan, kaibigan o kasamahan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 19, 27, 32 at violet.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Bigyan pansin ang ibang mga bagay na maaaring makatulong sa ikatutupad ng pangarap. Lahat ng gawain ngayon ay nakatuon sa pagkakamit ng pangarap. Maaaring sa sobrang focus ay may bagay kang makakaligtaan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 14, 28, 40 at cream.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Huwag kimkimin ang sama ng loob dahil kapag hindi ito nakayanan, daig pa ang malaking sunog na magaganap. Panatilihing nasa maayos ang mga bagay at maging positibo sa pananaw dahil magugulat ka kung paano makakatulong sa pagbabago ng iyong buhay. Lucky numbers at color for the day ay 11, 12, 30, 37 at red.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Isipin na may kakayahan ka na pamunuan ang lahat at maisaayos ang mga bagay. Sa kabila ng kalituhan, mapagtatantong nasa sariling kamay ang pag-control sa mga bagay. Nasa iyo ang katangian at kakayanan, kailangan lamang pag-ibayuhin ito. Lucky numbers at color for the day ay 9, 23, 36, 42 at ocean blue.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Mahalaga ang magplano at isipin ang gawain nang maiwasan ang pagkasayang ng oportunidad. Huwag magmadali kung sa tingin ay may magandang oportunidad na dara­ting. Kung alam ang tamang paraan patungo sa tagumpay, makakarating ka doon, ‘yon ang dapat pagsikapan. Lucky numbers at color for the day ay 10, 22, 34, 45, at purple.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Kung may hindi alam, pag-aralan nang matutunan. Hindi man lubusan na maunawaan, mahalaga na magtanong sa higit na nakakaalam at hindi dapat ikahiya. Kung nais magtagumpay, matutong makisayaw sa tugtog ng buhay. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 23, 41 at yellow.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Huwag pagurin ang sarili sa paggawa ng bagay na hindi naman talaga kaya o hindi nauunawaan nang lubusan. Nagsasayang ka lang ng pagod at oras. Ang tagum­pay ay nakasalalay sa iyong positibong katangian at hindi sa iyong kahinaan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 27, 33 at orange.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Sa halip na hanapin ang bagay na wala sa iyo, bigyang halaga ang mga bagay na mayroon ka. Kung hindi mo nagustuhan ang nasa sa iyo, hanapan ng paraan para maging kaakit-akit sa paningin o panglasa ng iba. Lucky numbers at color for the day ay 5, 13, 34, 41 at gray.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) –  Sa pag-ibig, dahil sa isang malapit na kaibigan, makikilala ang lalaki o babae na makapagpapatibok ng puso. Lahat ng gustong gawin ay ipagpatuloy dahil ang pagpupursige sa isang bagay ay magkakaroon ng katuparan at tagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 24, 38 at brown.

vuukle comment

BAGAY

COLOR

DAY

HUWAG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with