^

Kutob

Marso 2, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Hindi natin kontrolado ang mga bagay-bagay, pero hindi ako mangangamba. Dahil kontrolado ito ng mapagmahal kong Diyos.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Nasa tamang daan ng kaunlaran ang iyong nilalandas kaya ituloy ang ginagawa. Ang payo o suhestiyon ay dapat pakinggan at timbangin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 14, 34, 39 at aquamarine.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Malapit ka ngayon sa mga taong mapagbiro at palakan­t­yaw. Huwag silang patulan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 26, 30, 36 at fuchsia.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Walang masama kung alamin muna ang mga ba­gay-bagay bago magdesisyon. Iwasan ang magpadalus-dalos. Lucky numbers at color for the day ay 3, 22, 35, 37 at red.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Magiging mapusok ka ngayon at kung walang self-control ihahatid ka sa kapahamakan. Sa lahat ng bagay, taglayin ang mag-dalawang isip kung anong kabutihan at kasamaan ang idudulot bago kumilos o gawin. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 17, 29 at white.

CANCER (Hunyo 22- Hul­yo 22) – Tiyaga at sikap ang maliwanag na sikreto ng tagum­pay at kung ito ay palaging tataglayin, walang dahilan na maghikahos. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 19, 24 at yellow.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Kung aabot sa sukdulan ang iyong pagtitimpi, makakabuting umiwas. Madali ang makipag-away ngunit masarap mabuhay ng walang kaaway. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 14, 31 at violet.

VIRGO (Agosto 23- Set­yembre 23) – Mapaghinala ang minamahal. Mag-ingat sa pakikipag-usap sa iba dahil magiging selosa siya. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 39, 41 at ocean blue.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Maaasahan na mala­king pakinabang ang ibubunga ng ginagawa. Magtatagumpay sa nilalakad. Kung nag-a-apply ng trabaho at lalakarin ngayon, malaki ang posibilidad na matanggap. Lucky numbers at color for the day ay 1, 3, 34, 41 at green.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Maganda ang iyong hangarin, ang kulang lamang ay implementasyon. Kung sisimulang gawin ang binabalak, tiyak may magandang resulta. Lucky numbers at for the day ay 16, 20, 31, 42 at brown.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Hindi masama kung kasing-lawak ng langit ang iyong pangarap sa buhay. Ang hindi maganda kung hanggang pangarap ka lamang at wala sa gawa, isip at tiyaga. Magbanat ng buto. Lucky numbers at color for the day ay 4, 12, 18, 30 at blue.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Masigla at nakakatiyak sa sarili kaya handang harapin ang anumang pakikibaka. Diplomasya ang kaila­ngan dahil may makakasagupa kang kailangan ng magandang paliwanag. Lucky numbers at color for the day ay 2, 19, 22, 38 at cream.

AQUARIUS (Enero 20- Peb­rero 18) – Kung inaakala mong tama ka, gawin dahil malakas ang iyong ESP ngayon. Maliban kung labag sa batas ng Diyos at tao. Lucky numbers at color for the day ay 4, 29, 31, 39 at orange.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

KUNG

LUCKY

NUMBERS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with