^

Kutob

Pebrero 1, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang kabutihan ng Dios ang pag-asa kong makaraos sa pagsubok.

AQUARIUS (Enero 20-Peb­rero 18) –  Huwag mahiyang magsabi sa magulang na kailangan ng pera. Higit sa inaasahan, hinihintay lamang nila na magsabi ka  at handang-handang ibigay ang tulong. Maaasahan ang suporta ng magulang at kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 23, 39, 44 at Pink.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) –  Isang kaibigan ang hihingi ng payo. Kahit masasaktan siya. Hayaan lang para malaman niya ang totoo at mapagtanto ang kanyang pagkakamali. Maging tapat sa sarili at kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 25, 36 at Gray.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Kung may problema sa relas­yon posibleng hahantong sa hiwalayan ng landas kung hindi aayusin ngayon. Iwasan na magkaroon ng alitan. Pag-aralan ang gagawing desisyon bago sumang-ayon o gawin. Lucky numbers at color for the day ang 20, 27, 39, 43 at Brown.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Pinsan, kamag-anak o kaibigan ang makakatulong para maayos ang problema. Makinig at sundin ang payo. Kung selos ang ugat ng hindi pagkakaunawaan, hahantong ng matagal ang pagbabati kung hindi agad maaayos. Lucky numbers at color for the day ang 2, 16, 23, 31 at Mint Green.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) –  Magkakasamaan ng loob ang magkasintahan dahil sa selos. Walang dulot na kabutihan kung makikipagmatigasan. Masisira ang relasyon nang walang mabigat na dahilan, kung pride ang paiiralin. Magpakumbaba. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 27, 37 at Sky Blue.

CANCER (Hunyo 22- Hul­yo 22) –  Huwag mawalan ng pag-asa kung hanggang ngayon ay walang trabaho o nangyayari sa buhay. Makakahanap din ng trabaho kung matiyaga at magtitiwala sa sarili. Sipag at tiyaga ang kailangan para magtagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 13, 20, 27, 31 at White.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) –  Walang dapat ipag-alinlangan sa kasuyo o minamahal dahil tapat ito sa iyo. Kung may duda, iwaglit dahil nagkakamali ka. Tuklasin muna bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ang 4, 18, 24, 41 at Beige.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Huwag pilitin ang sarili kung may duda dahil kapahamakan ang aabutin. Dahil sa puyat o pagod hindi magagawa ang dapat gawin. Magpahinga para manumbalik ang enerhiya ng kasiglahan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 11, 29, 38 at Green.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Kung tapat ang hangarin, ituloy dahil magtatagumpay. Walang dapat ipangamba kung malinis ang intensiyon. Kung  nasa isip ay tama, ituloy. Naaayon ang makipagsosyalan o makihalobilo sa mga barkada. Lucky numbers at color for the day ang 10, 23, 36, 42 at Orange.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Huwag mahiyang magtanong kung hindi alam. Sa pagdudunung-dunu­ngan, kapahamakan ang mapapala. Kung may pagdududa, kumunsulta sa higit na nakakaalam. Huwag ituloy kung hindi tiyak ang kalalabasan ng gawain. Lucky numbers at color for the day ang 8, 19, 27, 34 at Gray.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Aminin ang nagawang kasalanan. Huwag matakot na hindi mapatawad. Lalong sasama ang loob niya kung sa iba malaman ang nagawa. Ang tao ay may pagkakamali, ang mahalaga marunong tumanggap, magsisi at handang magbago. Lucky numbers at color for the day ang 7, 14, 28, 42 at Red.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) –  Bumagsak man sa pasusulit, huwag pang­hinaan ng loob. Sa halip, ang nangyari ay hamon sa pagsisikap. Kulang ka sa handa kaya ugaliin ang maging pala­ging handa. Ang pagkakamaling nagawa ay isang leksiyon na hindi dapat maulit. Lucky numbers at color for the day ang 10, 24, 32, 41 at Yellow.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with