^

Kutob

Enero 25, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Constructive ang buhay ko sa Dios. Ang paglago at pagtatag ay biyayang may katiyakan sa piling Niya.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Ang kabutihang nagawa ay may kapalit na biyaya mula sa iba at malamang mapasakamay ngayon. Masaya ang pakikisalamuhang sosyal kung may dadaluhan. Magiging makulay ang bawat oras dahil sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 22, 38 at lemon green.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Kaunting problema sa tahanan ang magbibigay ng pagkainis at lungkot. Maging mahinahon at panatilihin ang wastong pag-iisip upang walang masaktan. Mahihingian ng magandang payo ang matalik na kaibigan, kamag-anak o magulang. Lucky numbers at color for the day ay 3, 18, 25, 37 at cream.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Malaki ang magagawa ng tiwala at ngayon dapat ito ibigay. Isang lihim ang matutuklasan, kung ikakatuwa o ikakalungkot malalaman sa mga pangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 8, 10, 16, 35 ay red.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Pag-ukulan ng pagsisikap ang trabaho dahil nandiyan ang pakinabang. Huwag agad-agad maniniwala sa tsismis. Alamin ang katotohanan. Mapamaraan ang pakikitungo na dapat gawin sa mga kasamahan. Bigyang halaga ang komunikasyon. Lucky numbers at color for the day ay 7, 16, 20, 33 at ruby.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Mapapabuti ang kalagayang pinansiyal. May pagkakataon na madaragdagan ang kikitain. Ang makipagtulungan ay nagbibigay ng malaking pakinabang sa anumang gawain. Maitutuloy ang naalintanang mga gawain. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 37, 42 at peach.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Walang problema sa tahanan gayundin sa trabaho o pinapasukan. Magiging maayos ang takbo ng mga gawain. Masuwerte ang negosyo. Kung iiwasan ang usaping selos, magiging masaya ang pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 8, 13, 22, 33 at purple.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Nasa tamang landas ang tuluyang pagkalimot ng hindi pagkaunawaan sa pagitan ng magkaibigan o magkasintahan. Kung may gumugulo sa isipan, ang solusyon ay nasa harapan at aabutin na lamang kung pagsisikapan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 14, 17, 24 at blue.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Ang hinanakit ay mapapawi kung pagsisikapang hanapan ng solusyon. Posible ang isang magandang balita hatid ng isang kaibigan o kamag-anak. Kabigha-bighani ka ngayon. Madaling makumbinsi ang mga taong nasa paligid. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 25, 30 at jade green. 

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Tatamarin ka kahit hindi gaanong abala. Sikapin na maging maagap dahil lumalandas ang magandang pagkakataon. Ang problema tungkol sa magulang ay madaling malulutas. Walang dahilan para magalit o malungkot. Lucky numbers at color for the day ay 6, 12, 22. 36 at orange.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Masungit ka ngayon kaya dapat iwasan na magbitiw ng marahas na salita na makakasugat ng damdamin. Huwag umasa sa tulong ng iba, maging sa mga kaibigan o minamahal. Magsikap at magtiyaga upang makamit ang nais. Lucky numbers at color for the day ay 7, 17, 18, 45 at brown.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Magiging pabaya ka ngayon. Mag-isip dahil mahalaga ang makatiyak sa gawain. Huwag balewalain ang mga detalye. Sikapin na maging maayos ang lahat ng bagay sa tahanan at pinapasukan. Umaayon ang maikling paglalakbay kung may kinalaman sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 6, 7, 13, 20 at scarlet.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – May kalutasan ang gumugulo sa isipan kung hindi magpapadalus-dalos ng pasya o pagdedesisyon. Malaking pagkakataon na maayos ang suliranin. Iwasan ang labis na kapaguran, dahil ito ang hinihingi ng kalusugan. Paglaanan ng panahon ang pagpapahinga. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 33, 34 at dollar green.

vuukle comment

ABRIL

COLOR

DAY

HUWAG

KUNG

LUCKY

MAGIGING

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with