^

Kutob

Enero 22, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Mabuti ang Dios sa lahat ng pagkakataon. Anuman ang hatid ng buong araw, makakaasa tayo sa tapat na pagmamalasakit at pagmamahal Niya para sa lahat.

AQUARIUS (Enero 20-Peb­rero 18) – Piliin ang sasamahang kaibigan at ang pupuntahang lugar. Mag-ingat sa hold-up o snatchers Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 31, 43 at ivory.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Kung mainit ang ulo, magpakalamig muna bago humarap sa tao. Huwag idamay ang iba na walang kinalaman sa mga pangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 26, 30 at lilac.

ARIES (Marso 21 Abril 19) – Marami ang umaasa sa magagawa mo. Huwag matakot mabigo dahil ito ang daan para magtagumpay. May mangyayaring ikatutuwa. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 32, 42 at sky blue.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Hindi maiiwasan ang kumpetensiya sa kahit anong larangan, huwag bigyan ng sobrang pansin dahil sarili ang makukunsumi. Sariling sikap ang dapat pairalin upang magtagum­pay. Lucky numbers at color for the day ay 12, 25, 35, 44 at lavender.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Walang dahilan na magkunwaring masaya kung taliwas naman sa tunay na nararamdaman. Maging natural. Lucky numbers at color for the day ay 10, 29, 31, 42 at beige.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Hindi inaasahan na makakasalubong ang mga dating kaibigan. Tiyak na mara­ming oras ang magugugol dahil sa sobrang dami ng kuwentuhan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 37, 45 at fuchsia. 

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Asahan na maraming trabaho ang gagawin nga­yong araw. Matatapos agad kung hindi makikipagtsismisan. Lucky numbers at color for the day ay 12, 26, 34, 41 at blue.

VIRGO (Agosto 23-Set­yembre 23) – Panahon ng pagbabago ngayon. Tiyak na mapapagod sa buong maghapon dahil sa mga gawain. Lucky numbers at numbers at color for the day ay 8, 17, 26, 35 at strawberry.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Kung may planong gawin, isipin muna ng mabuti kung ano ang hakbang at ano ang unang dapat simulan. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 31, 39 at white.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Gawin ang paraan na maibalik ang tiwala sa sarili. Maging positibo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 24, 31, 40 at canary yellow.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Labis ang pangungulila sa tahanan o minamahal pero walang magagawa kundi magtiis dahil sa pangangailangan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 18, 25, 30 at mint green.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Anuman ang gawin, ituloy basta nakakatitiyak na hindi makakasagasa ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 34, 43 at brown.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

ANUMAN

COLOR

DAY

DISYEMBRE

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with