^

Kutob

Enero 19, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang patnubay ng Dios ay hindi mawawala sa lahat ng nananalig sa Kanya.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Makakamit ang tagumpay at malamang ngayon matamo. Gaano man kahirap o kabigat ang trabaho, mairaraos ng matiwasay. Sa pag-ibig, maipadarama sa minamahal ang ligaya kung may bitbit na pasalubong. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 30, 41 at tangerine.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Magiging sobra ang layaw sa paggastos. Mag-budget upang may maitabing pera dahil tiyak may mapagkakagastusan sa darating na panahon. Mabuti ang laging may nakatagong pera sakaling kailangan. Magtipid. Simulan ang mag-save. Lucky numbers at color for the day ay 17, 24, 39, 42 at blue.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Huwag pakialaman kung ano ang gawain ng minamahal dahil magiging ningas-kugon. Ang pagpaparaya ay hindi pagbabalewala kundi pagpapakita ng tunay na pagmamahal. Huwag mag-aalala, ang kapalit ng tiwala ay kaligayahan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 15, 19, 38 at red.

ARIES (Marso 21-Abril 19) –Mareresulba ang suliranin dahil nasa tabi lamang ang solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 24, 35 at maroon.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Kung lito at hindi alam ang dapat gawin, kumunsulta sa higit na nakakaalam. Payo ang kailangan mula sa kaibigan, kamag-anak o magulang. Kung may duda, huwag ituloy dahil kapahamakan ang mapapasukan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 10, 30, 42 at white.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Matitikman ang sarap ng tagumpay. Unti-unting makikilala ka sa kinabibilangang grupo. Sa pag-ibig, ipadama sa minamahal ang tunay na nararamdaman sa gawa, hindi sa salita. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 30, 41 at tangerine.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Hindi kailangan ang gumastos upang makatiyak na maganda ang impresyon ng kapwa. Iwasan ang maging masungit. Lucky numbers at color for the day ay 11, 23, 39, 40 at pink. 

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Ang mapagbigay at pagiging maalalahanin ang tanging paraan upang mapalapit sa minamahal. Kung may suliranin sa pag-ibig makakahanap ng tamang paraan na matugunan kung pagsisikapan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 16, 27, 31 at brown.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Ang pagkakamali ay mabisang guro upang matuwid ang hindi tama. Kung may pagkakamali ka ngayon, huwag maghinanakit, hanapan ng paraan na maituwid. Isang Sagit­tarius ang malamang kakantiyaw o mangungulit, huwag patulan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 24, 39 at peach.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Huwag mag-alinlangan, gawin ang binabalak. Kung itutuloy ang plano, may positibong resulta. Ang magbakasakali maliban sa sugal ay inaayunan ng panahon. Kung may lakad, gawin sa umaga. Lucky numbers at color for the day ay 4, 7, 24, 36 at orange.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Huwag pakialaman ang sino mang nagpapakita ng pagha­nga. Iwasan ang pumutok ang butsi sa ginagawa ng iba. Panatilihin ang pagpapakumbaba. Huwag magpakita ng kayabangan. Iwasan ang mainggit. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 26, 37 at yellow.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Iwasan na maging dahilan ng sakit ng ulo ng kapwa. Huwag hayaang mainis ang nakapaligid ng dahil sa iyo. Huwag magpadalus-dalos dahil maaaring ikasira ng sarili. Bawat kilos tiyakin nasa panig ang ikakasaya at kapakanan ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 25, 49 at gray.

vuukle comment

ABRIL

COLOR

DAY

HUWAG

IWASAN

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with