^

Kutob

Enero 18, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Magpasalamat sa lahat ng pagsubok. Dahil ipinagkakaloob sa’yo ang oportunidad para maging matatag, magkaroon ng paglago at makatanggap ng higit sa inaasahang pagpapala mula sa Dios.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Ang praktikal na gawain ay siyang magbibigay ng kasiyahan at moral. Ang mababa na sahod na halos hindi sapat sa pangangailangan ng sarili at pamilya ay magbibigay ng katamaran sa gawain. Tatawag ang minamahal at dapat bigyan ng parehas na panahon ang tungkulin at ang pamilya. Lucky numbers at color for the day ay 2, 24, 34, 42 at red.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Ang taglay na sipag at pagtitiyaga ang magiging mabisang puhunan para makamtan ang kaunlaran. Responsibilidad tungkol sa pamilya ang siyang magi­ging pangunahin kaysa sarili. Magkakaroon ng suliranin sa oras, sa pagitan ng trabaho at pamilya. Hindi dapat mawalan ng pag-asa. Ang lahat ay may paraan at solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 29, 42 at beige.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Kung may lalakarin, sa umaga gawin para magtagumpay. Ang lahat ng aktibidad sa umaga ay walang kapalpakan subalit sa bandang hapon ay magiging matamlay at mabagal. Naaayon ang pamamasyal o pagdalaw sa kaibigan o kamag-anak pagkatapos ng trabaho o gawain. Lucky numbers at color for the day ay 12, 23, 26, 28 at ivory cream.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Huwag maging ipokrito, kung ano ang payo dapat pakinggan at sundin kung inaakalang tama. Walang magsasalita laban sa iyo kung walang pagkakamaling nakikita. Ang payo ng mga magulang o nakakatandang kamag-anak ay mahalaga sa pagtuwid ng kamalian. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 30, 35 at gray.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Ang paghahanap ng walang puwang na oras sa gawain ay hindi magbibigay ng katamlayan sa sarili. Magi­ging maagap sa lahat ng bagay kaya nasa tamang landas ang iyong tinatahak sa kaunlaran. Ang pag-ibig ay siyang gabay sa pagsisikap. Lucky numbers at color for the day ay 12, 19, 26, 27 at lemon green.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Maganda ang pagkakataon para hanapin ang dekalidad na investment kaysa magmukmok at walang gawin. Ang talino ay malaking puhunan sa ikauunlad kaya may panahon pa para magamit sa makabuluhang bagay. Huwag pansinin ang mga tumututol, ituloy ang binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 8, 19, 21, 24 at blue.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Kung may trabaho at may promos­yon, asahan na isa ka sa mga kandidato kung hindi magbabago ang dedikasyon sa trabaho. May matatanggap na hindi inaasahang regalo o balita. Isang kaibigan ang mangangailangan ng tulong materyal o payo. Lucky numbers at color for the day ay 15, 28, 32, 39 at yellow.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Maaaring makamtan ang matagal nang pinapangarap. Magiging sensitibo ka sa mga kakaunting bagay. Maaa­ring masaktan ka sa mga salitang maririnig. Upang manatiling balanse ang enerhiya, panatilihin ang kaligayahan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 19, 21, 23 at ruby.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Sikapin na ang naalintanang mga gawain ay matatapos bago sumapit ang hapon. Ang anumang maiiwanang gawain ngayon ay magiging walang kabuluhan sa hinaharap. Ang kalusugan ay hindj magiging sagabal sa pagtupad ng tungkulin at obligayon. Nasa sariling pagsisikap ang ikauunlad. Lucky numbers at color for the day ay 10, 15, 18, 38 at orange. 

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Upang magtagumpay, magsaliksik ng mga detalye at iayon sa sarili. Kung may hindi nalalaman, huwag mahiyang magtanong. Umaayon ang panahon sa pagsasaliksik ng mga bagay na wala sa kaalaman. May pagkakataon na sasalungat ka sa gusto ng iba at igigiit ang sariling katuwiran. Lucky numbers at color for the day ay 3, 16, 18, 38 at cream.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Walang katiyakan ang takbo ng panahon. Maaaring urong -sulong sa pangyayari kaya ang dapat gawin ay makisayaw sa tugtog ng panahon. Maging sa sarili hindi nakakatiyak kung ano ang dapat gawin at kung ano ang tama at ano ang mali. Dapat mag-relax, mamasyal o manood ng sine upang makasagap ng magandang enerhiya. Lucky numbers at color for the day ay 7, 15, 23, 34 at maroon.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Kailangan ang matibay na self-control dahil baka may susubok sa iyong pagtitimpi. Iwasan ang magalit o mag-init ang ulo dahil ito ang sisira ng iyong magandang araw. Iwasan ang mapagbirong mga kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 14, 20, 21 at brown.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with