^

Kutob

Disyembre 23, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang pag-asa ko ay nasa Dios, hindi Niya ako pababayaan.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Bigyang pansin ang ibang mga bagay na maaaring makatulong sa ikatutupad ng pangarap. Lahat ng gawain ngayon ay nakatuon sa pagkamit ng kinabukasan. Maaaring sa sobrang pokus ay may bagay kang makakaligtaan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 14, 28, 40 at indigo.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Huwag kimkimin ang sama ng loob dahil kapag hindi ito nakaya, parang bulkan itong sasabog. Panatilihin nasa maayos ang mga bagay at maging positibo sa pananaw dahil magugulat ka kung papaano makakatulong sa pagbabago ng iyong buhay. Lucky numbers at color for the day ay 11, 12, 30, 37 at red.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – May kakayahan kang pamumunuan ang lahat at maisaayos ang mga bagay na dapat ayusin. Sa kabila ng kalituhan mapagtatantong nasa sariling kamay ang pagkontrol. Nasa iyo ang katangian at kakayanan, kailangan lamang ang wastong pag-iisip at pagkilos. Lucky numbers at color for the day ay 9, 23, 36, 42 at blue.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Mahalaga ang pagpaplano at isipin ang gawain nang makaiwas sa pag-aaksaya ng panahon at oportunidad. Huwag magmadali sa gustong makamit dahil darating ito sa tamang oras. Kung alam ang tamang paraan patungo sa tagumpay, makakarating doon ng walang sagabal. Lucky numbers at color for the day ay 10, 22, 34, 45 at purple.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Kung may hindi alam, pag-aralan nang matutunan. Hindi man lubusan na mauunawaan, maganda na kahit kaunti ay may nalalaman. Kung gustong magtagumpay, matutong makisayaw sa tugtog ng buhay. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 23, 41 at yellow.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Huwag pagurin ang sarili sa pag-gawa ng mga bagay na hindi naman talaga kaya o hindi nauunawaan ng lubusan. Nagsasayang lamang ng pagod at oras. Ang tagumpay ay nakasalalay sa iyong positibong kaibigan at hindi sa iyong kahinaan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 27, 33 at orange.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Sa halip na maghanap ng ibang bagay, bigyang-halaga ang mga bagay na meron ka. Kung hindi nagustuhan ang nasa sa iyo hanapan ng paraan upang makamit ang gusto sa magandang paraan. Iwasan ang manira ng kapwa dahil sa inggit. Lucky numbers at color for the day ay 5, 13, 34, 41 at pink.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Dahil sa isang malapit na kaibigan, makakakilala ng babae o lalaking magpapatibok sa puso. Lahat ng gustong gawin ipagpatuloy dahil magtatagumpay. Malamang may manghihingi ng payo tungkol sa pag-ibig o mangutang ng pera. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 24, 38 at brown.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Huwag kaagad sumuko. Maging mapagtimpi sa pagharap ng pagsubok. Alalahanin na hindi lahat ng solusyon sa problema o hangarin sa buhay ay makukuha sa isang iglap lang. Kadalasan mahihirapan muna bago makamit ang gusto. Sa hirap ang kapalit ay tagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 37, 44 at jade green.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Magtiwala sa anumang mangyayari dahil makakarating ka rin sa pa­tutunguhan. Maraming daan ang landas ng tagumpay subalit ang nag-iisang landas na sadyang inilaan sa iyo ay siya pang kinakatakutan mong puntahan. Tiwala sa sarili ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 13, 25, 33 at maroon.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Huwag labis na mag-focus sa isang bagay, mababalewala ang iba. Huwag magmadali dahil lalo lamang magkakamali. Huwag hayaang mawala ang isang bagay bago mapagtanto ang kahalagahan nito. Lucky numbers at color for the day ay 15, 27, 35, 40 at green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Makakakilala ng tao na sa kalaunan ay magbibigay ng kasiyahan sa buhay. Siya ang magsisilbing guro upang matutuhan ang maraming bagay sa paligid. Huwag pansinin ang anumang maririnig na masasakit na salita sa tahanan. Iwasan ang gulo. Lucky nymbers at color for the day ay 7, 19, 27, 32 at violet.

vuukle comment

BAGAY

COLOR

DAHIL

DAY

HUWAG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with