^

Kutob

Disyembre 22, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Malaya ako dahil sa pag-ibig ng Dios sa akin.

CAPRICORN (Dis­yembre 22- Enero 19) – Walang masama kung alamin muna ang mga bagay-bagay bago magdesisyon. Iwasan ang magpadalus-dalos. Lucky numbers at color for the day ay 3, 22, 35, 37 at red.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Kung aabot sa sukdulan ang iyong pagtitimpi, makaka­buting umiwas dahil masama ang mangyayari. Madali ang maki­pag-away ngunit masarap mabuhay nang walang kaaway. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 14, 31 at violet.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Tiyaga at sikap ang sekreto ng tagumpay at kung ito ang palaging tataglayin, walang dahilan na maghikahos. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 19, 24 at yellow.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Hindi masama kung kasing lawak ng langit ang iyong pangarap na kaunlaran sa buhay. Ang hindi maganda kung hanggang pangarap ka lamang at wala sa gawa, sikap at tiyaga. Magbanat ng buto. Lucky numbers at color for the day ay 4, 12, 18, 30 at blue.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Panalangin ang iyong matibay na gabay ngayon. Ang labis na pag-iingat sa pagkilos, paggawa at pana­nalita ang siyang dapat pairalin. Lucky numbers at color for the day ay 1, 13, 34, 41 at green.

GEMINI (Mayo 21- Hun­yo 21) – Kung inaakala mong tama ka, gawin dahil malakas ang iyong ESP ngayon, maliban kung labag sa batas ng Diyos at tao ang pakay. Lucky numbers at color for the day ay 4, 29, 31, 39 at orange.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Maganda ang iyong hangarin, ang kulang lamang ay implementasyon. Kung sisimulan gawin ang binabalak, tiyak may magandang resulta. Lucky numbers at color for the day ay 16, 20, 31, 42 at brown.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Magiging mainitin ang iyong ulo dahil sa personal na suliranin. Huwag patulan ang biro o kantiyaw. Lucky numbers at color for the day ay 7, 26, 30, 36 at fuchsia.

VIRGO (Agosto 23- Set­yembre 23) – Masigla at nakakatiyak sa sarili kaya handang harapin ang anumang pakikibaka. Diplomasya ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 19, 22, 38 at cream.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Magiging mapusok ka ngayon at kung walang self control, ihahatid ka sa kapahamakan. Huwag maniwala sa tsismis o sulsol. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 17, 29 at white.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Nasa tamang daan ng kaunlaran sa buhay ang iyong nilalandas kaya ituloy ang ginagawa. Lucky numbers at color for the day ay 4, 14, 34, 39 at aquamarine.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Mapaghinala ang minamahal. Mag-ingat sa pakikipag-usap sa iba dahil ang minamahal ay magiging selosa. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 39, 41 at ocean blue.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

ENERO

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with