^

Kutob

Disyembre 21, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Higit na mahalaga na nasa puso mo ang Maylalang ng lahat, kaysa lahat ng karangyaan sa mundo.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Ihanda ang sarili na makinig sa problema ng kaibigan. Tiyakin na hindi ka madadala sa problema nito dahil wala kang magagawang tulong kapag nagkataon. Huwag ipagkait ang iyong tulong sa nangangailangan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 17, 32, 45 at beige.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) - Ang iyong pakiwari ay walang nakakaunawa sa nais mong mangyari. Huwag mawalan ng pag-asa. Isang kaibigan na kahit naguguluhan na sa iyo ay hindi ka iiwan sa ere. Mananatili siyang naka-alalay sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 17, 20, 31, 40 at emerald green.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Piliting maging mapagpasensiya kahit pikon na pikon ka na. Walang magandang idudulot kung paiiralin ang galit. Tiyak na makapagsasalita ng hindi maganda at makasakit ng damdamin sa iba kung hindi ka makapagpipigil. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 26, 39 at pink.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Unahin ang higit na mahahalagang mga bagay. Ang ilang gawain ay maaaring makapaghintay. Huwag hayaang manaig ang kasalukuyang depresyon dahil wala kang magagawa. Kung kikilos may solusyon sa problema. Lucky numbers at color for the day ay 10, 18, 22, 37 at maroon.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Umuwi na lang ng bahay at magpahinga kung sa tingin ay hindi na kaya ng katawan ang magtrabaho. Mabuting magpahinga kung nakakaramdam ng pagod kaysa tuluyang magkasakit. Pahinga ang kailangan ng katawan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 18, 23, 39 at peach. 

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Sikapin kung ano ang magagawang tulong sa problema ng kaibigan o kasambahay. Huwag ipagkait ang tulong kung may paraan. Darating ang panahon na siya naman o may ibang kaibigan ang makakatulong sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 15, 34 at white.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) –  Wala kang dapat alalahanin kung may mga bagay na hindi natapos. Humingi ng tulong sa mga kasamahan kung gahol sa oras ang dapat tapusin. Kahit paunti-unti, matatapos din ang trabaho. Huwag magmadali. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 28, 44 at green.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Hindi umaayon ang panahon sa gustong mangyari. Hindi ka makakapag-isip ng maayos sa araw na ito. Kung may suliranin, huwag hayaan sa paghanap ng solusyon. Lucky numbers at color for the day ay  2, 19, 25, 37 at light green.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Mapapaunawa sa kasamahan na hindi mo layunin ang ipahiya o saktan siya kundi nais mo lang itama ang kanyang pagkakamali, na kung hindi mo gagawin ay tiyak na mapapasama kayong lahat. Sabihin ito ng maayos at asahan na maunawaan ka niya. Lucky numbers at color for the day ay 9, 23, 36, 40 at mint green.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Malamang yayayain kang mamasyal ng minamahal, kamag-anak o kaibigan. Kapag nagkataon, masaya ang kahihinatnan ng pagsasama. Huwag lamang mapag-usapan ang selos dahil magiging daan ng hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 11, 35, 42 at brown.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Masaya ang buong araw dahil nakakatiyak na mahal ka pa rin sa kabila ng mga pagkukulang. Huwag lamang ang sob­rang abuso dahil hindi sa lahat ng panahon ay mauunawaan ka. Magpa-salamat na hindi pa siya sumusuko sa iyong ugali. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 27, 44 at tangerine.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Hindi maiwasan na mapaiyak sa mangyayaring hindi kanais-nais sa sarili. Hindi masamang umiyak kung hindi kaya ng kalooban. Ang pag-iyak ay magbibigay ng kaluwagan sa naninikip na dibdib. Lucky numbers at color for the day ay 7, 16, 23, 39 at red.

vuukle comment

ABRIL

COLOR

DAY

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with