^

Kutob

Disyembre 19, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Salamat sa pag-ibig ng Dios na dumadaloy sa mga taong nasa paligid ko. 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – May gantimpala na matatanggap sa mga nagawang kabutihan. Kabaligtaran naman sa mga hindi gumagawa ng mabuti dahil panahon ng paniningil at pagbabayad ngayon. Baguhin ang masamang ugali na alam ng sarili para hindi layuan ng suwerte. Lucky numbers at color for the day ay 5, 14, 34, 42 at white.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Kung ang hangad ay tagumpay, gamitin ang lakas ng loob, talino, sipag at tiyaga. Napapanahon para pagyamanin ang angking talino at tiyak tatahakin ang landas ng pag-unlad. Walang tagumpay na matatamo kung hanggang pag-iisip lamang sa binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 39, 40 at peach.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Mabilis at alerto ka ngayon. Kung may pangako ka o may pangako sa iyo tiyak, matutupad. Huwag magbakasakali dahil negatibo ang resulta. Iwasan ang mga salitang makakasakit sa damdamin ng kapwa dahil may magre-react at hahantong sa hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 17, 38, 42 at blue.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Kung inaakalang maraming magagawa ngayon, nagkakamali ka kung hindi mapaglalabanan ang iiral na pagkatamad. Magiging maikli ang pasensya na siyang magiging dahilan para pag-init ang ulo. Iwasan ang magpadalus-dalos. Lucky numbers at color for the day ay 10, 19, 34, 42 at honey yellow.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Alam ng sarili ang masamang ugali na palaging umiiral at kung ito ay babaguhin, tiyak magbabago ang takbo ng buhay sa kabutihan. Maging tapat at magpakatotoo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 26, 30 at light brown.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) –  Pagtuunan mo ngayon ang mga mahahalagang dokumento o papeles. Kung babaguhin ang masamang ugali, manunumbalik ang paggalang at respeto ng kapwa. Umaayon ang panahon sa pagbabago ng masamang ugali. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 28, 40 at jade green.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) –  Kung may lakad o lalakarin, gawin pagkalipas ng tanghali upang maging positibo ang resulta. Iwasan ang manghiram o magpahiram ng kahit anong bagay. Sa halip na magmukmok sa kakaisip, kumilos nang may makitang resulta. Lucky numbers at color for the day ay 3, 23, 24, 34 at cream.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) –  Aksyon agad sa suliranin dahil kung hahayaan, hahantong nang taliwas sa inaasahang mangyari. Huwag hayaang makaalpas ang magandang pagkakataon dahil hindi kailan man ito maibabalik. Katuwiran mong maniwala sa sariling opinyon ngunit huwag asahan na palagi kang tama. Lucky numbers at color for the day ay 17, 24, 31, 38 at lavender.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Magagampanan ang mga gawain ng buong husay at walang sagabal. Iwasan ang anumang paanyaya para maiwasan ang hindi magandang mangyayari. Magiging insperado ka dahil sa pag-ibig subalit iwasan ang makipag-date. Lucky numbers at color for the day ay 12, 17, 23, 33 at indigo.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) –   Kung matamlay ang pakiramdam ngayon, paniningil ito nang pang-aabuso o pagwawalang bahala sa kalusugan. Magpa-check up kaagad para hindi lumala. Kung walang karamdaman, maraming positibong bagay ang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 3, 8, 28, 29 at sky blue.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Ang mag-init ang ulo o magalit ay magbibigay ng negatibong resulta sa kahit anong gawain. Kung pag-uukulan ng panahon ang problema, madaling makakahagilap ng solusyon. Iiral ang pagkatamad o pagkatamlay, sikapin na paglabanan para may makitang kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ay 21, 25, 37, 41 at emerald green.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Iwasan ang magmukmok, maging emosyonal at magpadala sa problema dahil lalala lamang. Kilos ang kailangan dahil nasa unahan lamang ang solusyon. Maging kalmado at mahinahon para makaisip ng magandang solusyon. Positibo ang resulta ng binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 11, 17, 36, 43 at beige.

vuukle comment

ABRIL

COLOR

DAHIL

DAY

IWASAN

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with