^

Kutob

Disyembre 14, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang araw ko ay puno ng positibong bagay. Salamat sa kabutihan ng Dios.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Magiging mapusok ka ngayon at kung walang self-control baka ikaw ay mapahamak. Sa lahat ng bagay taglayin ang magdalawang-isip kung anong kabutihan at kasamaan ang idudulot bago kumilos. Huwag basta maniwala sa tsismis at sulsol. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 17, 29 at white.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Tiyaga at sipag ang maliwanag na sikreto ng tagumpay at kung ito ay palaging tataglayin walang dahilan na maghikahos. Nasa sariling gawa at wala sa iba ang situwasyon sa kasalukuyan. Huwag isisi sa iba ang sariling kagagawan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 19, 24 at yellow.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Kung aabot sa kasukdulan ang iyong pagtitimpi, makakabuting umiwas dahil masama ang mangyayari. Madali ang makipag-away ngunit masarap mabuhay ng walang kaaway. Madali kang mapikon at mag-init ang ulo. Self-control ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 14, 31 at violet.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) –  Mapaghinala ang minamahal. Mag-ingat sa pakikipag-ugnayan sa iba dahil ang minamahal ay magiging selosa. Kung may usok may apoy, kaya kung may sikreto malamang matutuklasan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 39, 41 at ocean blue.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Maaasahan na mala­king pakinabang ang ibubunga ng ginagawa. Magtatagumpay sa nilalakad. Kung nag-a-apply ng trabaho at lalakarin ngayon, malaki ang posibilidad na matanggap. Lucky numbers at color for the day ay 1, 3, 34, 41 at green.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Maganda ang iyong hangarin, ang kulang lamang ay implementasyon. Kung sisimulang gawin ang binabalak, tiyak may magandang resulta. May mga balakid kang makakasagupa ngunit kung buo ang loob magtatagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 16, 20, 31, 42 at brown.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Hindi masama kung kasing-lawak ng langit ang iyong pangarap sa buhay. Ang hindi maganda ay kung hanggang pangarap ka lamang at wala sa gawa, sikap at tiyaga. Magbanat ng buto. Lucky numbers at color for the day ay 4, 12, 18, 30 at blue.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Masigla at nakakatiyak sa sarili na handang harapin ang anumang pakikibaka. Diplomasya ang kailangan dahil may makakasagupa kang kailangan ng magandang paliwanag. Ang pagkamaunawain at pagpapasensiya ay dapat pairalin. Lucky numbers at color for the day ay 2, 19, 22, 38 at cream.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Kung inaakala mong tama ka, gawin dahil malakas ang iyong ESP ngayon, maliban kung lalabag sa batas ng Diyos at tao. Iwasan ang anumang uri ng sugal dahil tiyak matatalo. Kung iinom ng alak, ilagay sa tiyan at huwag sa ulo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 29, 31, 39 at orange.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Nasa tamang daan ng kaunlaran sa buhay ang iyong nilalandas kaya ituloy ang ginagawa. Makakasagupa ka ng mga pagtutol sa iyong mga binabalak. Ang payo o suhestiyon ay dapat pakinggan at timbangin. Kung mabuti sundin, kung masama iisantabi. Lucky numbers at color for the day ay 4, 14, 34, 39 at aquamarine.  

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Malapit ka ngayon sa mga taong mapagbiro at palakantiyaw. Magiging mainitin ang iyong ulo dahil sa personal na suliranin. Huwag papatulan ang biro o kantiyaw, hahantong sa hindi magandang pangyayari na pagsisisihan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 26, 30, 36 at fuschia.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Walang masama kung aalamin muna ang mga bagay-bagay bago magdesisyon. Iwasan ang magpadalus-dalos dahil kapahamakan ang nasa huli. Selos ang magiging puno’t dulo ng sigalot at hindi pagkakaunawaan. Ang suliranin ay mareresulba sa mahinahong paraan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 22, 35, 37 at red.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with