^

Kutob

Disyembre 12, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Walang duda, mahal ako ng Dios. Hindi ‘yun mababago.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Magkakaroon ng maraming activities. Pagtuunan ng dobleng pag-iingat ang anumang gagawin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 25, 43, 45 at yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Maisasaayos ang suliranin tungkol sa pinansiyal. Hahangaan ng isang Libra, Leo o Aquarius dahil sa kahusayan sa trabaho o kahusayan sa pag-aayos ng sarili. Lucky numbers at color for the day ay 6, 8, 24, 44 at crimson.

AQUARIUS (Enero 20- Peb­rero 18) – May masa­yang pangyayari ang maaa­ring maganap. Magiging pinakamasaya sa piling o pakikisama sa isang Capricorn. Lucky numbers at color for the day ay 21, 29, 36, 42 at pink.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) –  Kung walang asawa, naka-focus ang panahon at atensyon sa pagpaplano ng pag-aasawa o pagpapakasal. May hatid na kakaibang balita ang may inisiyal na B o C. Lucky numbers at color for the day ay 24, 28, 40, 43 at sapphire blue.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Huwag magpabigla-bigla sa aksiyon o desisyon. Maitutuon ang isip at panahon sa pet care, general health o kung papaanong mapapaunlad ang ikakabuhay. Lucky numbers at color for the day ay 2, 27, 32, 35 at tangerine. 

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Kalituhan ang hatid ng kapwa Taurus na maaaring pagsimulan ng sigalot, pagseselos o inggit. Lucky numbers at color for the day ay 19, 28, 31, 44 at dollar green.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Malaki ang magiging bahagi ng Scorpio na may kinalaman sa pangarap, edukasyon, paglalakbay o promosyon. May magandang hatid ang Aries at magbibigay ng aspetong legal ang isang Cancer. Lucky numbers at color for the day ay 14, 19, 23, 45 at maroon.

CANCER (Hunyo 22- Hul­yo 22) – Ayusin ang pakikipagrelasyon nang hindi mapahamak. Mag-ingat sa mga gamit lalo na ang mga alahas at pera, itagong mabuti. Lucky numbers at color for the day ay 3, 24, 31, 39 at blue.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) –   Malaki ang magiging bahagi ng isang Gemini o Aquarius na maaaring ikaligaya o ikalungkot. Mag-focus sa pag-i-invest, maging sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 37, 42 at red.

VIRGO (Agosto 23- Set­yembre 23) – Malamang na makasagupa ang isang Cancer o Leo na magbibigay ng hindi makakalimutang pangyayari. Mapaglalaanan ng panahon ang tungkol sa mga binabalak o ambis­yon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 25, 41, 47 at corn yellow.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Ingatan ang kalusugan. Magiging maaliwalas sa aspeto ng pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 6, 21, 33, 35 at indigo.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Kung may balak na magbiyahe nang malapit o malayo,  walang magiging sagabal. Mauunawaan mo ngayon kung ano ang ipinagtatampo ng kasambahay o katrabaho. Lucky numbers at color for the day ay 1, 20, 32, 39 at jade green.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

DISYEMBRE

ENERO

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with