^

Kutob

Disyembre 11, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang lahat ng kabutihan ay galing sa Dios, ang mga hangarin at ang matagumpay na pagsasagawa nito ay ibinabalik ko para sa higit Niyang kara­ngalan.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Ang mga kaibigan ay maaasahan ng tulong kung kailangan. May pagkasensitibo ang minamahal kaya sikapin na magparaya at lawakan ang pang-unawa. Lucky numbers at color for the day ay 10, 14, 33, 41 at strawberry red.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Mada­ling pakitunguhan ang mga kaibigan. Ang samahang pang-kaibigan ay posibleng mauwi sa pag-iibigan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 10, 16, 31 at pink.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Masaya ang pakikisalamuhang sosyal kung bibigyan ng panahon. Ang tamang asal sa pananalita at pakisama ay dapat pairalin. Lucky numbers at color for the day ay 3, 11, 18, 36 at yellow.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) –Magiging lubos ang kaligayahan kung kasama ang minamahal. Mag-budget sa paggastos para may maitabi sa kailangang gamit. Lucky numbers at color for the day ay 7, 18, 29, 37 at white.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Ang minamahal ay hindi magkakait ng tulong kung kailangan. May haharaping pagkakagastusan na hindi maiiwasan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 12, 33, 40 at orange.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Isang kamag-anak o kasamahan ang malamang magkaroon ng hinanakit. Mas mabiyaya ang nagbibigay kaysa tumatanggap kaya hindi maiiwasan na makapagbigay ng tulong. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 18, 41 at tangerine.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Isang bagong relasyon sa pag-ibig ang magbibigay sigla. Dahil sa kasiglahan, ano mang hirap o bigat ng gawain ay magaang na mairaraos. Lucky numbers at color for the day ay 5, 16, 28, 32 at avocado green.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Umaayon ang panahon sa pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan. Mangingibabaw ang kapusukan ng damdamin na dapat mapaglabanan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 34, 38 at orange.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) –  Hindi magiging abala suba­lit maraming mahahalagang gawain ang matatapos dahil sa angking enerhiya at sigla. Panindigan ang prinsipyo. Lucky numbers at color for the day ay 7, 12, 21, 37 at jade green. 

VIRGO (Agosto 23- Set­yembre 23) – Bagong pag-ibig ang uusbong sa damdamin. Simulan ang magtipid at mag-ipon para sa kinabukasan. Walang problema sa trabaho ngunit may kaun­ting gusot sa tahanan o sa relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 12, 23, 38 at brown.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – May lihim na pagtingin ang isang kasamahan o kaibigan. Huwag bigyan ng pagkakataon na mapagsamantalahan ang iyong kabaitan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 24, 38, 41 at lavender.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) –  Ang nakaraang suliranin ay maaa­ring makalimutan. Magaan ang pasok ng pera sa negosyo. Umaayon ang masuwerteng pagkakataon kaya abangan at huwag palampasin. Lucky numbers at color for the day ay 11, 20, 34, 41 at royal blue.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

DISYEMBRE

ENERO

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with