^

Kutob

Nobyembre 29, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Sa bawat sandali nasa tabi ang Dios na tunay na nagmamalasakit sa akin, ano pa ang ikakapangamba ko?

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Mali ang akala ng lahat na hindi mo dinaramdam ang mga bagay na sinasabi sa iyo. Gumawa kaagad ng aksiyon, huwag pahintulutang manatili sa dibdib ang kinikimkim na sama ng loob. Ipaglaban ang kapakanan. Maging tapat sa tunay na damdamin. Lucky numbers at color for the day ang 20, 27, 35, 42 at yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) –  Problemado ka ngayon at makikilala ang tunay na mga kaibigan. Ang mga bagay na ito ay sapat na para maging magaan ang susunod pang mga pagsubok. Sa oras ng pangangailangan, masusubok ang tunay at tapat na kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 19, 25, 37 at sky blue.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Mag-ingat sa mga salita nang hindi mapahiya sa kapwa. Huwag damdamin ang pangyayari dahil makababawi ka sa ibang paraan. Mag-ingat ngayon dahil magiging malapit sa iyo ang manakawan o ma-hold up. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 26, 39 at pink.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) –  Pagbigyan ang kahilingan ng nakakarami. Ito lamang ang tanging paraan para maiwasan na magkaroon ng samaan ng loob. Sa pag-ibig, mahahamon sa kakaibang damdamin ng kasintahan ang malimit paglapit sa iba. Magpaliwanag kung kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 18, 24, 34, 40 at jade green.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Iwasan na matali sa pangako dahil hindi kayang tuparin. May hindi inaasahang dahilan ang makapagpapabago ng desisyon. Ang relasyon na pang-pamilya ay mapagtitibay kung gugustuhin. Ipagpaliban ang balak sa paglakbay dahil hindi magtatagumpay sa pakay. Lucky numbers at color for the day ang 5, 19, 37, 41 at peach.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Makakatanggap ng balita o impormasyon na makapagpapabago sa hanapbuhay. Magiging masiya ang pamimili o pagsya-shopping. Mahalagang sundin ang budget. Magkakaroon ng pagbabago ang plano sa paglakbay at gawain. Lucky numbers at color for the day ang 12, 21, 24, 40 at pink.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) –  Ang matagal nang hinahangad ay maisasakatuparan. May suwerte sa pag-ibig. Maligayang romansa ang maaaring maganap at maaaring hahantong sa pag-iisang dibdib. Inaayunan ng panahon ang makipag-date o ang pamamasyal. Lucky numbers at color for the day ang 9, 24, 29, 32 at green.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Huwag padala sa bugso ng damdamin dahil mapapahamak ka. May balita mula sa ibang bansa ang malamang matanggap. Isang tao na may nunal sa pisngi ang makikilala. Iwasan ang paanyaya ng mga barkada. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 29, 39 at gray.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) –   Kung may balak, gawin kaagad. Iwasan ang ugaling mamaya na, gawin agad ang dapat. Kung magiging masipag, may mapapala. Kung positibo ang iniisip at lalakipan ng kilos may asenso. Lucky numbers at color for the day ang 2, 13, 24, 40 at beige.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) –  Ang maglingkod ng tapat ay kailangan hindi lamang sa pinapasukan kundi maging sa pamilya. Patungo sa tagumpay ang nilalandas. Mapapaunlad ang kalagayang pinansiyal. Iwasan na magkaroon ng pagtatalo. Iwasan ang gulo. Iwasan ang maglasing. Lucky numbers at color for the day ang 11, 13. 29, 40 at orange.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) –  Iwasan ang makipagtalo sa kasamahan sa trabaho o kasambahay. Ayusin ang mga schedule para hindi magkabuhol-buhol ang gawain o appointment. May pagdedesisyunan na mahalagang bagay. Nasa panig ang katuwiran. Lucky numbers at color for the day ang 1, 7, 33, 34 at crimson red.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Magiging masaya ang susunod na mga araw ngunit ngayon ay matamlay ka. Magiging maunawain at makikita ang pagpapahalaga ng minamahal  sa mga bagay na mahalaga sa iyo. Ang tunay na pag-ibig ay nakikita sa gawa. Lucky numbers at color for the day ang 13, 26, 32, 41 at orange.

vuukle comment

COLOR

DAY

IWASAN

LUCKY

MAGIGING

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with