^

Kutob

Nobyembre 26, 2014

KUTOB - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay:  Ang paggabay ng Dios ay sumasaakin, malalampasan ko anuman ang hatid ng buong maghapon.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Ayusin ang pakikipagrelasyon ng hindi mapahamak. Mag-ingat sa mga gamit lalo na ang mga alahas at pera, itagong mabuti. Habaan ang pasensiya at dagdagan ang dedikasyon sa pamilya. Tamang panahon para pagtuunan ng pansin ang mga pangarap, ambisyon, pananalapi o pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 3, 24, 31, 39 at blue.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Malaki ang magiging bahagi ng isang Scorpio na may kinalaman sa sariling pangarap, edukasyon, paglalakbay o promosyon. Makakaharap sa pagsubok na kakailanganing timbangin ang mga pangyayari. May magandang balita na hatid ang isang Taurus at magbibigay ng aspetong legal ang isang Scorpio. Lucky numbers at color for the day ang 14, 19, 23, 45 at maroon.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Kalituhan ang hatid ng kapwa Aquarius na maaaring pagsimulan ng sigalot, pagseselos o inggit. Malaki ang magiging papel ng isang Capricorn para mai-focus ang atensyon sa pag-a-abroad o pagbili ng bahay at lupa. Lucky numbers at color for the day ang 19, 28, 31, 44 at dollar green.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) –  Huwag magpabigla-bigla sa aksiyon o desisyon. Matutuon ang pag-iisip at panahon sa basic issues tulad ng pet care, general health o kung papaano mapapaunlad ang ikabubuhay. Malaki ang magiging bahagi ng Gemini, Capricorn o Aries. Maging kalmado at huwag magpabigla-bigla kung may kinalaman sa mag-asawa ang kinakaharap. Lucky numbers at color for the day ang 2, 27, 32, 35 at tangerine.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Kung walang asawa, naka-focus ang isipan at atensyon sa pagpaplano nito. Kung married, naka-focus ang pansin sa kaunlaran ng pamumuhay, negosyo o pamilya. Maaaring magkaroon ng atraksyon sa isang Gemini. Lucky numbers at color for the day ang 24, 28, 40, 43 at sapphire blue.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Maraming masasayang pangyayari ang maaaring maganap. Makakasagupa ng kagipitan sa pera kung hindi magiging maingat sa paggastos. Hindi maiiwasan na magselos o pagselosan. Malaking papel ang gagampanan ng Cancer o Pisces. Lucky numbers at color for the day ang 21, 29, 36, 42 at pink.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) –  Magiging mahalaga ang pagdalaw sa libingan ng mga minamahal. Mag-ingat sa daan, snatcher o hold-uppers. May pangyayari na magiging masaya o malungkot. Ang mahalaga ay maging handa sa anumang magaganap. Lucky numbers at color for the day ang 6, 8, 24, 44 at peach.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Magkakaroon ng mga activities. Pagtuunan ng pansin ang dobleng pag-iingat sa ano mang mangyayari. Dapat tapusin ang sinimulan bago magsimula ng panibago. Naaayon ang makipagsosyalan lalo na ang affairs tungkol sa pamilya. May pahiwatig na isa sa pamilya ay nagbabalak umalis sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 25, 43, 45 at yellow.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) –   Kung may balak na magbiyahe ng malapit o malayo, maisasakatuparan ng walang sagabal. Mauunawaan mo ngayon kung ano ang ipinagtatampo o ikinagagalit ng kasambahay  o katrabaho at maha­hanapan ng solusyon para manumbalik ang harmoniya. Lucky numbers at color for the day ang 1, 20, 32, 39 at green.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Ingatan ang kalusugan. Kailangan ng maselang pagpaplano tungkol sa pinansyal, lalo na sa mga gastusin. Hanapin ang paraan para magkaroon ng ekstrang pagkakitaan. Ang Cancer, Capricorn o Taurus ay maaaring makatulong sa pangangailangan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 21, 33, 35 at indigo.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Malamang makasagupa ang isang Gemini o Sagittarius na magbibigay ng hindi makakalimutang pangyayari. Pagtuunan ng pansin at panahon ang tungkol sa mga binabalak o ambisyon. Makakaharap ka sa maraming katanungan kaya dapat paghandaan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 25, 41, 47 at violet.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Malaki ang magiging bahagi ng isang Gemini o Aquarius na maaaring ikaligaya o ikalungkot. Makapagpaplano sa pag-i-invest sa negosyo na may kinalaman sa fashion, news o entertainment. Huwag tanggihan ang darating na imbitasyon dahil maaa­ring dito makilala ang soulmate o twin flame. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 37, 42 at red.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

LUCKY

MALAKI

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with