^

Kutob

Nobyembre 25, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Anumang karamdaman, gumagaling. Dahil si Hesus ang aking dakilang manggagamot.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Matalas ang kaisipan kaya madaling matuto sa ano mang bagay, kung paglalaanan ng panahon ang pagdalaw sa libingan, tiyak magiging magaan ang pakiramdam. Matutugunan ang mga mahalagang panga­ngailangan kung hahanapan ng paraan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 28, 30 at jade green.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Makaka­tagpo ng bagong kaibigan sa pagtitipong dadaluhan. Iwasan na mabasa ng ulan o ambon dahil madaling kapitan ng sipon o trangkaso. Huwag magpatuyo ng pawis sa katawan dahil magiging mahina ang pulmon. Lucky numbers at color for the day ang 18, 36, 34, 30 at peach.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Kung may makakatagpo na taong sasalungat sa panukala, huwag mawalan ng lakas ng loob dahil nakataya ang sariling kapakanan. Mahaba ang pasensiya subalit kapag sumagad ay sisiklab na parang lumiliyab na apoy sa galit, kaya hinahon ang kailangan. Mula sa karanasan, iwasan ang magkamaling muli. Lucky numbers at color for the day ang 7, 25, 40, 41 at white.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) –  Walang sagabal sa binabalak na pagtatapat ng saloobin. Samahan ito ng panalangin para maging positibo ang minimithi. Malamang magkakaroon ng magandang relasyon sa isang bagong kakilala. Naaayon ang panahon sa pagsama sa mga kaibigan. Malulutas ang mga bagay na madalas na gumugulo sa isipan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 14, 22 at red rose.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Tungkulin ang sumunod sa ipapagawa. Huwag masamain ang iuutos ng magulang o nakakatanda. Matutong magtimpi at maging mahinahon sa anumang sitwasyon. Iwasan ang magalit at magmura. Lucky numbers at color for the day ang 6, 11, 13, 40 at silver gray.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Hindi maiiwasan na manumbalik ang mga alaala ng nakalipas. Iwasang magkaroon ng alitan at tiyak hindi ka papatalo kahit wala sa katuwiran. Lucky numbers at color for the day ang 3,5, 22, 39 at white at blue.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) –  Mapaghinala ang kasin­tahan o ang minamahal kaya kaunting ingat kung may itinatagong sikreto. Lucky numbers at color for the day ang 8, 13, 26, 33 at beige.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Ang mga katulong ay dapat tumanggap ng makataong pagtingin at pang-unawa. Palawakin ang sirkulo ng pakikipagkapwa tao, maging sa mga kapus-palad. Maging mapamaraan at tiyakin na walang masasaktan sa mga salita o sa iyong kilos. Lucky numbers at color for the day ang 2, 6, 20, 36 at rose quartz.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Kahit gaano kahirap ang buhay kung paiiralin ang sipag at tiyaga, makaka­ahon. Naaayon ang panahon sa paglalakbay. Iwasan ang malungkot at magalit. Lucky numbers at color for the day ang 3, 5, 24, 30 at light blue.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Bagay ang panahon sa pakikipagkasundo sa dating nakasamaan ng loob. Ang pagkakamali ay makatao, ang magpatawad ay maka-Dios. Magiging maganda ang pasok ng pera kung may negosyo. Lucky numbers at color for the day ang 8, 17, 20, 32 at orange.

LIBRA (Setyembre  24 - Oktubre 23) –  Hindi napapanahon na baguhin ang dating mga binabalak. Huwag padala sa sulsol ng iba. Gawin ang gustong mangyari kung ito’y makakabuti sa lahat at sa sarili. Ang mga kasamahan ay nanga­ngailangan ng gabay at payo. Lucky numbers at color for the day ang 3, 5, 33, 40 at yellow.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Angkin ang lakas ng ESP na makakatulong sa kaibigan na may ma­laking suliranin. Lumalandas sa kaunlaran ang pakikibaka sa mga gawain. Panahon nang ilantad ang kakayahan at estilo sa nakaatang na mga gawain. Ang kaalaman ay kailangang ibahagi sa mga nasasakupan para makagawa ng tamang paraan sa gawain. Lucky numbers at color for the day ang 6, 24, 28, 34 at green.

vuukle comment

ABRIL

COLOR

DAY

HUWAG

IWASAN

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with