^

Kutob

Nobyembre 16, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Lahat nang ipahihintulot ng Dios ay para sa kabutihan ko.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Maganda at kapangitan ang lilitaw tungkol sa pribadong relasyon ngunit huwag mabahala at sa bandang huli ay magwawagi kung magpapaliwanag ng mahinahon. Iwasan ang magalit. Magandang pagkakataon na maipakita ang paninindigan at pagkatao. Lucky numbers at color for the day ang 15, 16, 36, 37 at light gray.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Maging mahinahon sa pagkilos, pana­nalita at sa paggagawa para maiwasan na makasakit ng kapwa o magkamali. Dahil sa dalang kalituhan ng isip, nararapat na suriin at pag-aralang mabuti ang mga papeles na dapat lagdaan. May mangungutang na dapat hindi pagbigyan dahil matagal bago mabayaran. Lucky numbers at color for the day ang 11, 26, 28, 39 at cream white.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Kung may kamag-anak na may sakit, huwag mag-atubiling isugod kaagad ng pagamutan para mailigtas ang buhay. Kung walang nagkasakit sa pamilya, tiyak sagana at kaligayahan ang daranasin. May pagkakataon na magkasalu-salo sa hapag ang buong pamilya sa loob o labas ng tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 15, 25, 35 at aqua blue.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Isang Taurus ang magbibigay ng suwerte o ligaya subalit isang Leo ang magbibigay ng problema o sakit ng damdamin. Iwasan pansamantala ang mga kilalang Gemini dahil kapag may gulong naganap, hahantong sa hindi maganda. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 13, 31 at red.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) –  Ang suwerte ay minsan lamang kakatok sa pintuan,huwag paalpasin. Maging handa kung anuman ang darating at kung inaakalang ikakabuti o ikakaunlad sunggaban at huwag bigyan ng pagkakataong makawala. Magiging maunlad ang negosyo o panga­ngalakal. Lucky numbers at color for the day ang 11, 12, 14, 41 at sky blue.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Hintayin ang tamang oras at pagkakataon sa ibig mangyari. Maraming gustong gawing pagbabago ngunit mahirap maipaliwanag ang panig. Iwasan ang makipagsisihan dahil maaaring magbunga ng samaan ng loob. Ang kapareha ay walang maitutulong dahil hindi alam kung sino ang kanyang dapat panigan. Ang pagkukulang ay may solusyon sa mahinahon at magandang usapan. Lucky numbers at color for the day ang 10, 12, 14, 31 at red.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Dagdagan ang tiyaga at panala­ngin upang makaiwas sa bulilyaso. Mag-ingat sa pakikipag-ugnayan sa komunikasyon at pakipag-ugnayan sa iba dahil ang kapareha ay magiging selosa at bibigyan ng ibang kahulugan. Hinahon sa anumang bagay ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 14, 19, 24 at green.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) –  Maganda ang takbo ng panga­ngalakal. Magaan ang pasok ng pera. Ang daloy ng komunikasyon ay mabilis at may mga magandang balita na matatanggap. Kung binata o dalaga ang pagliliwaliw ay magiging masaya. Kung may nilalakad, magtatagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 2, 14, 29, 35 at ocean blue.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Ang tahanan ay mapagtutuunan ng buong pansin ngayon. Magi­ging mainit ang ulo sa mga kaguluhang makikita. Linis dito, linis doon at kasabay ang mga maaanghang na mga salita. Hinahon ang dapat pairalin upang walang masaktan na damdamin. Lucky numbers at color for the day ang 5, 12, 25, 31 at empire gold.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) –   Magiging makitid ang kapaligiran gayundin ang pag-iisip. Magiging pikon at madaling magalit. Ang pagre-relax, pagpapahinga o pamamasyal ay makakatulong para manumbalik ang enerhiya ng kasiglahan. Iwasan ang maglasing. Iwasan ang magsugal. Lucky numbers at color for the day ang 8, 10, 13, 25 at orange.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Ang anumang uri ng paanyaya ay dapat tanggihan. Iwasan ang anumang sosyalan. Kung may balak na maglakbay dapat ipagpaliban sa ibang araw. Bago lumagda sa anumang kasulatan o dokumento, pag-aralan muna at unawain ang mga nakasaad. Lucky numbers at color for the day ang 5, 15, 24, 40 at blue.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Huwag pansinin ang tsismis at ano mang uri ng negatibong balita. Iwasan na makasakit ng damdamin ng kapwa. Iwasan ang paanyaya ng mga barkada. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 19, 22 at yellow.

vuukle comment

ABRIL

COLOR

DAY

IWASAN

KUNG

LUCKY

MAGIGING

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with