^

Kutob

Oktubre 29, 2014

KUTOB - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Iniaangat ko ang puso ko sa Dios sa araw na ito at sa bawat sandali ng buhay ko.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Ano mang uri ng paanyaya ay dapat tanggihan. Iwasan ang sosyalan. Pag-aralang mabuti ang kasulatan o kasunduan bago lagdaan. Kung may balak na maglakbay, dapat ipagpaliban dahil mag-aaksaya lamang ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 5, 15, 24, 30 at pink.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – May mag-aalok ng trabaho subalit pag-isipan ng mabuti at timbangin ang kabutihang maidudulot kaysa sa kasalukuyang pinapasukan. Nasa pagitan ka ng pagkakamali at tama, panalangin ang kailangan para magkaroon ng tamang patnubay. Lucky numbers at color for the day ay 16, 20, 31, 42 at maroon.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Ang tunay na kaibigan ay sa ginhawa at kagipitan ang damayan. Tawag ng panahon para iwasan ang kaibigan sa turing at wala sa damayan. Maganda ang balita, magiging maligaya sa piling ng pamilya. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 19, 30 at dollar green.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Nasa mood ng kasiglahan at handang harapin ang anumang sitwasyon. Masayahin na halos lahat ng kakilala ay magugulat sa asal na ipapakita, isa lamang ang dahilan dahil sa pag-ibig. Masamang balita, dahil isang kaibigan ang malamang magtatraydor. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 12, 28 at cream.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Alam mong tama ka, subalit lalong maganda kung huwag makialam sa desisyon ng iba. Harapin ang sariling suliranin dahil may kalutasan kung pagtutuunan ng pansin. Magbibigay ng positibong resulta kung sisimulan agad ang binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 14, 19, 21, 39 at purple.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Kung magtatagumpay ka sa kasalukuyang nilalakad. Magaan ang pasok ng pera. Ang daloy ng komunikasyon ay mabilis at may magandang balitang matatanggap. Maganda ang takbo ng pangangalakal. Walang magiging suliranin sa tahanan o sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 2, 14, 29, 35 at ocean blue.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – May pagkakataon na mapagtutuunan ng pansin ang tahanan. Magiging mainitin ang ulo sa mga kaguluhang makikita. Hinahon ang kailangan nang walang masaktan na damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 25, 31 at gold.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Huwag magmadali at hintayin ang tamang oras at pagkakataon sa gustong mangyari. Maraming gustong gawin na pagbabago ngunit mahihirapan na magpaliwanag sa kaparehas o kinauukulan. Maging tapat sa gustong mangyari. Iwasan ang maki­pagsisihan dahil walang ibubunga na mabuti. Lucky numbers at color for the day ay 10, 12, 14, 31 at old rose.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Dagdagan ang tiyaga at panalangin nang makaiwas sa buliyaso dahil maraming pagkakamali ang magagawa. Hinahon ang kailangan. Mag-ingat sa pakikipag-ugnayan sa komunikasyon o sa iba dahil ang kapareha ay magseselos. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 19, 24 at green.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Malakas ang tiwala sa sarili at magiging positibo ang pag-iisip sa mga gagawin. Walang suliranin sa pamilya o sa minamahal. Nasa tamang landas na kasaganahan sa kabuhayan at pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 10, 14, 35, 36 at blue.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Malamang manghihiram ng pera ang isang kaibigan subalit dapat itong tanggihan dahil matatagalan bago mabayaran. Huwag magalit sa payo na maririnig, manapa’y pag-aralang mabuti bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 24, 30 at silver.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Mag-relax o mamasyal na siyang makakatulong para manumbalik ang enerhiya ng kasiglahan. Magiging makitid ang isip kaya iwasan na mapikon at madaling pag-init ng ulo. Huwag maglasing at magsugal. Lucky numbers at color for the day ay 8, 10, 13, 25 at orange.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAHIL

DAY

HUWAG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with