^

Kutob

Oktubre 28, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Nasa akin ang seguridad dahil sa mabuting plano ng Dios sa buhay ko.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Kahit mabagal o maliit ang simula, dagdagan ang sipag at tiyaga; malulusutan ang suliranin. Higpitan ang budget para sa lahat ng gastusin. Magiging mainitin ang ulo at madaling magalit kung may mangungulit. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 29, 36 at aquamarine.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Hahanap ng paraan, magiging abala kahit walang gaanong gagawin. Paglilinis at pag-aayos ng tahanan, opisina o pinapasukan ang sagot sa hinahanap na pagkakaabalahan. Ang pangakong hindi natupad ay maisasakatuparan kung pag-uukulan ng pansin. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 18, 42 at yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Trabaho at hanapbuhay ang siyang magiging pangunahing suliranin. Kung lalakarin ang nilalakad, tiyak may positibong resulta. Kung hindi gagawin ang iniisip, walang mapapala. Malakas ang kaunlaran sa relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 16, 19, 37, 42 at strawberry red.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Alam ng kalooban at damdamin ang sariling limitasyon kaya iwasan ang magkunwari. Magpakahinahon dahil madali kang magalit sa biro, kantiyaw o makulit. Dahil sa tindi ng pangangailangan sa pera, hihigpitan ang pagba-budget. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 10, 17 at white.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Ang pagkamarunong at pagka-ismarte sa mga gawain ay mapapansin ng tagapamahala o boss. Ang suliranin sa pag-ibig o trabaho ay kailangan ng pagpapakumbaba at pang-unawa. Kung may pagkukulang na nagawa, ang paghingi ng paumanhin o tawad ay nagpapakita ng kalinisan ng hangarin. Lucky numbers at color for the day ay 5, 14, 29, 41 at pearl pink.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Kung may balak na mag­pakasal ngayon, pag-usapan para tamasahin ang kaligayahan ng pagsasama. Kung may balak na lumipat ng tahanan, ngayon gawin para maging masagana. Kung may balak na magbukas ng negosyo, ngayon dapat simulan upang maging maunlad. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 20, 26 at electric blue.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Ang makipagsosyalan ay inaayunan ng panahon. Sa impluwensiya ng panahon, magiging masayahin at halos lahat ay walang suliranin. Magiging masaya ang makihalubilo sa mga kaibigan, kamag-anak o kasamahan. Lucky numbers at color for the day ay 21, 29, 35, 39 at brown.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Tamang panahon na hanapan ng solusyon ang suliranin. Harapin ang katotohanan. Kung nagkasala, panahon na upang humingi ng tawad at kung may nagkasala, panahon na ng pagpatawad. Kung magagampanan ang dapat, tiyak may kaunlaran sa hinaharap. Lucky numbers at color for the day ay 10, 22, 24, 30 at peach.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Ang hindi pagka­kaunawaan ng pamilya ay malamang magkaroon ng pagkakataong maisaayos. Ang nakaraan ay malamang manumbalik, ihanda ang sarili sa kagalakan o kalungkutan. Ang alitan sa kaibigan o kasamahan ay maisasaayos kung nanaisin subalit lalala kung papabayaan. Iwasan ang magalit o magmura. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 23, 39 at blue.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Ang nakalipas ay maa­aring lumitaw muli na siyang ikakagalit. Ngayon ang pagkakataon, pagtuunan ng pansin ang pagresulba sa suliranin ng nakaraan. Kung magiging mahinahon at hindi idadaan sa dahas at init ng ulo ang suliranin ay parang bola, biglang mawawala. Lucky numbers at color for the day ay 1, 12, 22, 30 at honey yellow.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) –  Paglaanan ng panahon ang pagpapahinga. Makakaranas ng tamlay ng katawan sa umaga ngunit kasiglahan naman sa hapon. Posibleng magalit at tumaas ang presyon dahil sa suliranin ng anak. Maaaring magkaroon ng panauhin. Lucky numbers at color for the day ay 11, 12, 38, 40 at aquamarine.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Makakakita ng magandang pagkakataon para magsimula ng negosyo. May pagkakataon na makahanap ng paraan para magkaroon ng seguridad sa sarili. Tatahakin ang tamang landas sa buhay kung makikinig sa payo ng mga magulang. Kung may kahirapan noon, ngayon ang simula ng kaginhawahan. Lucky numbers at color for the day ay 12, 18, 23, 33 at ruby red.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

KUNG

LUCKY

NUMBERS

SULIRANIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with