^

Kutob

Oktubre 26, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Salamat sa kabutihan ng Dios na bumabago sa puso ninuman.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Matutupad at maibibigay ang ipinangako. Iwasan na gumawa ng bagay o makapagsalita ng masasakit sa kapwa. Tutuwirin nila ang kanilang pagkakamali sa oras na malamang tama ka. May hihingi ng iyong pang-unawa o tulong. Lucky numbers at color for the day ay 12, 16, 24, 37 at brown.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Matutukso ka sa panlabas na anyo ng isang opposite sex subalit ang ugali ay taliwas sa iyong inaasahan. Sa pagbabalewala sa kalusugan, ngayon maniningil sa pang-aabuso at pagpapabaya. Lucky numbers at color of  the day ay 1, 15, 20, 34 at dark blue.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Magiging taliwas sa inaasahan ang mangyayari. Upang manatili ang mataas na antas ng respeto sa pagkatao, ipakita ang kabutihan at respeto sa kapwa. Iwasan ang drama ng pagka-emosyonal sa pagtupad ng gawain. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 28, 39 at jade green.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Ang talino ay pagkakakitaan ng husto kaysa sa kasalukuyang trabaho. May taglay kang talino na dapat pag-ukulan ng panahon, mapapayaman. Lakas ng loob ang magiging daan sa tagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 3, 17, 32, 41 at silver.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Hindi maaapektuhan ang mga plano. Magiging produktibo ang araw kung gugustuhin. Kalimutan ang mga kapalpakang nagawa at isipin ang isang aral sa pagtuwid ng pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 26, 36 at neon green.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Mabubuksan ang komunikasyon ng isang nakaligtaang kaibigan o kamag-anak. Magiging masigla at masayahin dahil dito, maraming gawain ang matatapos at obligasyon ang magagampanan. Huwag paunlakan ang paanyaya ng kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 22, 31, 36 at ocean blue.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Malakas ang pakiramdam. Mabuting sundin ang idinidikta ng kalooban dahil malakas ang ESP. Huwag mangutang dahil mahihirapang magbayad. Iwasan na magbuhat ng mabibigat dahil may kahinaan ang baywang at tuhod. Lucky numbers at color for the day ay 2, 22, 31, 36 at cream.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Huwag pansinin ang mang-aasar dahil hahantong sa alitan. Iwasan ang argumento para hindi mapa-away o magkaroon ng kagalit. Magiging maikli ang pasensya. Mahalagang mag-relax para gumaan ang isipan at kalooban. Lucky numbers at color for the day ay 6, 20, 33, 43 at violet.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Maging tapat sa sarili at iwasan na maging magagalitin. Magkakaroon ng malakas na disiplina kung gustong magbago. Huwag patagalin ang gustong sabihin dahil ito ang magbibigay ng suliranin sa kalaunan. May pagkakataon na makabili ng bagay na hindi gaanong kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 21, 26, 37 at yellow.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Tama ang desisyon na tawanan ang problema at hanapan ng solusyon sa mahinahong paraan. Abalahin ang sarili sa pag-aayos ng tahanan o pagtatanim ng halaman na siyang magdudulot ng kasiglahan at kasiyahan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 39, 40 at milk white.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Dahil taglay ang mataas na antas ng karisma, madaling makakaunawa at kabigha-bighaning makausap kahit sino. Maganda ang epekto ng pakikipagsundo sa matagal nang kagalit. Paglaanan ng panahon ang paglilibang. Lucky numbers at color for the day ay 5, 19, 22, 29 at sky blue.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Ang taglay na problema ay maaaring lumaki kung hindi aaksiyunan kaagad. Huwag palipasin ng ilang araw ang suliranin. Ang dadaluhang salu-salo ay kasasangkutan ng oportunidad na may kinalaman sa pera o trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 17, 24, 30, 37 at emerald green.

vuukle comment

ABRIL

COLOR

DAY

HUWAG

IWASAN

LUCKY

MAGIGING

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with