^

Kutob

Oktubre 25, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Salamat sa Dios sa bawat tagumpya na nararanasan ko.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Huwag mag-init ang ulo o maging emosyonal dahil puputaktihin ka ng trabaho. Ngayon maipapakita ang kaalaman at kahusayan na hahangaan ng kasamahan o boss. Matiwasay na magagampanan ang tungkulin kung iiwasan ang tsismis o tatamarin. Lucky numbers at color for the day ay 5, 7, 13, 31 at tangerine.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Kailangan ang disiplina dahil magiging mainit ka sa pag-ibig. Pag-aralan at pag-isipan ng mabuti ang mga bagay bago magdesisyon. Huwag magpadalus-dalos. Posibleng makatanggap ng balita na ikaliligaya. Lucky numbers at color for the day ay 4, 5, 32, 42 at ocean blue.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Iwasan ang hindi inaasahang panauhin dahil may dalang tsismis na makakapagpainit ng ulo o may kailangang bagay na hindi kayang paunlakan o pagbigyan. Ang paglilinis ng kapaligiran sa tahanan o pinapasukan ay magbibigay ng kaligayahan. Iwasan ang tsismis. Lucky numbers at color for the day ay 16, 18, 29, 39 at jade green.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) Magpakahinahon, timbangin at pag-isipan ng mabuti bago magsalita o humatol para maiwasan na magkamali at makasakit ng damdamin ng kapwa. Isang matalik na kaibigan ang hihingi ng payo tungkol sa suliranin na dapat tanggihan nang malayo sa gulo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 16, 33 at pink.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Magiging maswerte sa anumang uri ng negosyo kung sisimulan. Malakas at malaki ang kikitain kung freelancer. Kung ano ang swerte sa negosyo, kabaligtaran ang mangyayari sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 9, 10, 24, 37 at blue sapphire.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Ang pagkakaisa sa taha­nan at sa mga kasamahan ay tawag ng panahon at pagkakataon. Ang hindi nagkakaunawaan ay madaling mahanapan ng solus­yon dahil magiging malambing at kabigha-bighani ang iyong pagkatao. Kung may suliranin sa nakaraan, madaling mahahanapan ng solusyon ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 14, 15, 33, 42 at white.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – May gantimpalang naghihintay sa pagbibigay ng tulong sa tamang napagbigyan. Ang serbisyong sibiko ay magiging pangunahin sa isipan at gustong gawin na kung paglalaanan ng panahon ay matutupad. Magiging maswerte kung gagawin ang binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 3, 8, 28, 38 at dollar green.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Ang gawain na hindi napansin noon ay may daan na matatapos ngayon. Malakas ang magneto ng pakikipagsapalaran subalit ang masusing pag-aaral bago pumalaot ay kailangan para hindi magsisi. Ang panahon ng pagre-relax ay nababagay para makapag-isip ng tamang solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 12, 27 at beige.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Huwag ipagwalang bahala ang responsibilidad na nakaatang sa balikat. Harapin ng buong tatag at pananagutan ang desisyong ginawa, maging tama o mali. Pag-isipin at maging mahinahon sa ginagawa o gagawin nang maiwasan ang magkamali. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 17, 37 at aquamarine.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Iwasan na mag-init ang ulo. Maging mahinahon dahil magiging mabangis ang iyong pagkatao. Iwasan ang palabiro at makantiyaw na tao para malayo sa gulo. Libangin ang sarili sa pagbabasa o pamamasyal. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 33, 40 at scarlet.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Bagay ngayon ang pakikisalamuhang sosyal. Huwag paalpasin kung may paanyayang matatanggap. May pagkakataong makatagpo ang soulmate o twinflame. Kung isang Taurus o Gemini ang makikilala, hahantong sa pangmatagalang relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 37, 38 at maroon.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Masakit man sa kalooban, mapaglalabanan ang gustong bilhin dahil sa kakapusan ng pera. Kakapusan ng pera ay siyang suliranin subalit kung pagsisikapan, matutugunan ng kaibigan o kamag-anak. Unahin ang kailangan ng tahanan bago ang sarili. Lucky numbers at color for the day ay 18, 19, 33, 42 at yellow.

vuukle comment

ABRIL

COLOR

DAY

HUWAG

IWASAN

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with