^

Kutob

Oktubre 23, 2014

KUTOB - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang pag-iingat sa aking puso ay iniaangat ko sa tapat na pagmamalasakit ng Dios.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Kung inaakalang tama ka, ilantad ang gusto dahil hindi mabibigo. Kung may duda, huwag ituloy. Lucky numbers at color for the day ay 3, 16, 28, 34 at violet.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Ang problema ay maaaring lumaki sa paglipas ng araw kung hindi mahahanapan ng solusyon ngayon. Ang dadaluhan ay kasasangkutan ng oportunidad na may kinalaman sa hanapbuhay o negosyo. Iwasan ang biglaang desisyon. Lucky numbers at color for the day ay 17, 24, 30, 37 at olive green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Kung gustong manatili ang mataas na antas ng respeto at pagkatao, ipakita ang paggalang at respeto sa kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 12, 24, 36, 44 at orange.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Hindi maiiwasan na magkaroon ng problema subalit madaling mareresulba kung hindi magiging emosyonal. Kung gaga­mitin ang matinong pag-iisip, walang dahilan na hindi magiging magaan ang takbo ng oras. Lucky numbers at color for the day  ay 2, 3, 16, 25 at sky blue.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Hindi maaapektuhan ang plano na magdudulot ng magandang resulta kung iiwasan na mag-init ang ulo at maging emosyonal. Lucky numbers at color for the day ay 5, 23, 38, 44 at neon green.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Kung may lalakarin o follow-up, sa paglipas ng tanghali gawin para magtagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 9, 21, 35, 43 at silver.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Huwag mangu­tang dahil mahihirapang magbayad. Sundin ang kutob dahil malakas ang taglay ng ESP. Lucky numbers at color for the day ay 4, 24, 27, 36 at beige.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Buksan ang linya ng komunikasyon sa nakaligtaang kaibigan dahil may mapapala ka. Masigla at masiyahin ka ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 7, 23, 36, 41 at blue.

GEMINI  (Mayo 21- Hunyo 21) – Huwag kimkimin ang gustong sabihin dahil ito ang magbibigay ng suliranin. Maging tapat sa sarili. Iwasan ang maging magagalitin. Lucky numbers at color for the day ay 3, 5, 17, 32 at brown.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – May mang-aasar na dapat hindi pansinin. Maikli ang pasensiya at madaling magalit na dapat paglabanan. Lucky numbers at color for the day ay 15, 28, 35, 44 at white.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) Dahil sa taglay ngayon ang mataas na antas ng karisma, madaling makaunawa at kabigha-bighaning makausap. Lucky numbers at color for the day ay 2, 4, 26, 29 at royal blue.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) Tama ang desisyon, tawanan ang problema at hanapan ng solusyon sa mahinahong paraan. Lucky numbers at color for the day ay 15, 19, 26, 34 at milk white.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

DISYEMBRE

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with