^

Kutob

Oktubre 22, 2014

KUTOB - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang pag-aalala ay itataboy na parang hangin, dahil ang makapangyarihang Dios ay hindi lumulubay sa akin. Hindi Niya ako pababayaan.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Ipagpaliban ang binabalak na pagbabago sa bahay, opisina o trabaho. May balakid sa larangan ng pag-ibig. Kung may asawa, malamang pinagdududahan ng kabiyak o siya ang may nadaramang pagkaakit sa iba. Lucky numbers at color for the day ay 8, 28, 35, 39 at avocado green.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Makikilala ang taong may lihim na pagtingin. Hindi mo aakalain na siya pala ang iyong secret admirer. Pag-isipan ng mabuti ang pagsali sa grupo para hindi magsisi. Maging praktikal. Lucky numbers at color for the day ay 5, 19, 27, 35 at metallic silver.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – May susubok ng iyong pagtitimpi. Ngayon gamitin ang hinahon at talino. Huwag mainip sa paghihintay sa kausap dahil maaalintanang dumating. Bibigyan ka ng ligaya ng isang Taurus subalit bubuwisitin ka ng isang Aries. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 15, 30 at aquamarine.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Sa kabila ng kabiguang naranasan, made-develop ang abilidad at pagkasensitibo. Magkakaroon ng dagdag na kaalaman, maisasaayos ang kalagayan ng buhay. Huwag matakot na makipag­sapalaran sa negosyo dahil uunlad kung sisimulan ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 12, 19, 22, 37 at dollar green.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Magkakaroon ng pagtatalo tungkol sa pera. Nakatakdang magkaroon ng problema sa karelasyon na dapat ayusin kaagad para hindi lumala. Huwag idaan sa galit o init ng ulo ang pagresulba ng problema. Diplomasiya ang dapat pairalin. Lucky numbers at color for the day ay 8, 18, 28, 38 at orange.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Magkakaroon ng kakumpetensiya na susubok ng kakayahan. Maaaring magkaroon ng diskuntento ang pinaglilingkuran sa iyong performance o dahil sa tsismis. Mag-ingat dahil may nagbabalak na sirain ka o talagang sinisiraan ka na. Lucky numbers at color for the day ay 3, 7, 12, 44 at white.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Ang magaganap ay nasa panig. Kung mag-a-apply ng trabaho, matatanggap ngayong araw. Kung ano ang nasimulan ay matatapos nang walang sagabal. Walang problema sa trabaho at sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 8, 13, 39 at emerald green.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Magi­ging daan ka sa pagbabati ng kapamilya, kasamahan o kaibigan na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Maganda ang pasok ng pananalapi. Magkakaroon ng sideline. May kaibigang ikakasal o bibinyagan, subalit hindi ka makakadalo. Lucky numbers at color for the day ay 13, 19, 37, 45 at electric blue.

GEMINI  (Mayo 21- Hunyo 21) – Tiyaking hindi mawawala ang tiwala ng nakakataas sa pinapasukan. May taong maiinggit dahil sa tagumpay na inani. Walang problema sa tahanan subalit magkakaroon ng gusot sa pinapasukan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 16, 22, 42 at orange.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Puno ng enerhiya at maliksi ang katawan subalit, mananaig ang katamaran o pamamasyal. Malamang makakapunta sa lugar na hindi pa nararating. Kung nag-aaral, malamang mag-absent at mamasyal kaysa pumasok, na dapat iwasan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 23, 34, 41 at oak brown.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Magiging magiliw at handang makiisa ang pamilya o katrabaho sa layunin o binabalak. Malamang magkakaroon ng bagong manliligaw o pag-ibig. May magtatangkang makialam sa trabaho o desisyon. Isang kapwa Leo ang magbibigay ng kasiyahan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 22, 32, 42 at tan.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Diplomasya ang dapat pairalin ngayon. Malamang magkakaroon ng tensiyon sa pagitan ng kapitbahay o kasamahan dahil sa hindi pagkakaunawaan. Kung magiging mahinahon at maunawain, maraming hahanga. Lucky numbers at color for the day ay 17, 27, 37, 41 at electric blue.

 

vuukle comment

COLOR

DAY

HUWAG

LUCKY

MAGKAKAROON

MALAMANG

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with