^

Kutob

Oktubre 14, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang damdamin ko, emosyon, mga hinahangad at asal ay buhusan nawa ng pag-ibig at katatagan ni Kristo. Nang kumilos ito ayon sa higit Niyang kadakilaan.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Ang  mag-init ang ulo o magalit ay magbibigay ng negatibong resulta sa kahit anong gawain. Kung pag-uukulan ng kaunting panahon may ma­iisip na kalutasan sa suliranin, makakahanap ng tamang solusyon. Dapat paglabanan ang katamaran. Lucky numbers at color for the day ay 4, 16, 26, 36 at emerald green.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Kung ang hangad ay tagumpay gamitin ang lakas ng loob, talino, sipag at tiyaga. Napapanahon para pagyamanin ang angking talino, tatahakin ang tamang landas ng pag-unlad. Walang tagumpay na matatamo kung hanggang sa pag-iisip lamang sa mga binabalak, kilos ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 8, 26, 37 at white or dirty white.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Kung may lakad o lalakarin, gawin sa umaga nang magtagumpay. Iwasan pagkalipas ng tanghali dahil walang mapapala at mag-aaksaya lamang ng oras at panahon. Huwag manghiram o magpahiram ng ano mang bagay sa dapit-hapon dahil hindi maisasauli o maibabalik. Lucky numbers at color for the day ay 2, 22, 24, 34, at cream o white.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19)Kung katamlayan ng katawan ang mararamdaman ngayon, paniningil lamang ito ng pang-aabuso o pagbabalewalang ginawa. Lucky numbers at color for the day ay 5, 8, 25, 36 at sky blue.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Aksiyon kaagad sa suliranin dahil kung ito ay hahayaan, hahantong sa matinding suliranin. Maaaring lumaki ang isang munting problema kung hindi kaagad aaksyunan. Huwag hayaang makalipas ang magandang pagkakataon na darating dahil hindi na babalik. Lucky numbers at color for the day ay 18, 28, 30 at lavender.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Kung may makakasagupa na walang paggalang, ito ay larawan ng sariling gawain. Panahon ng pagbabago ng masamang ugali para matamo ang paggalang at respeto sa kapwa. Alam ng sarili kung ano ang hindi magandang ginagawa. Kung babaguhin ngayon, may suwerting darating. Lucky numbers at color for the day ay 5, 9, 28, 39 at jade green.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Alam ang masa­mang ugali na umiiral sa sarili, kung babaguhin tiyak na magbabago ang takbo ng buhay patungo sa kaunlaran. Maging prangka at tapat. Disiplina sa sarili ang dapat taglayin sa bawat salita, kilos at gawa. Lucky numbers at color for the day ay 1, 25, 27, 34 at jade golden yellow.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Dahil sa kasiglahan, magagampanan ang lahat ng gawain ng buong husay at walang sagabal. Iwasan ang ano mang uri ng paanyaya para maiwasan ang hindi magandang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 2, 18, 22, 33 at indigo.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Magandang reward ang matatanggap sa mga nakagawa ng kabutihan. Sa nakagawa ng kasamaan, ito rin ang matatamo dahil oras ng pagbabayad sa ipinunla. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 23, 31 at milk white.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Kung inaakala na marami ang magagawa ngayon, nagkakamali dahil ang katamaran ay siyang maghahari na dapat paglabanan. Magiging maikli ang pasensiya na siyang magiging dahilan para madaling magalit at maging bugnutin. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 33, 34 at honey yellow.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Maging alerto sa lahat ng gawain at kung may ipinangako, tiyak maisasakatuparan. Huwag magbaka­sakali, negatibo ang resulta. Lucky numbers at color for the day ay 10, 19, 30, 39 at beige.   

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Huwag magmukmok at maging emosyonal dahil walang mangyayari. Maging kalma at mahinahon, isipin ang magandang solusyon at tiyak makakahagilap ng magandang paraan. Kung kikilos kaagad at walang oras na sasayangin, positibo ang magiging resulta sa bawat binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 36, 43 at sky blue.

vuukle comment

ABRIL

COLOR

DAHIL

DAY

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with