^

Kutob

Oktubre 5, 2014

Madam Rosa - The Philippine Star

Pagtitibay:  Ang pang-unawa ay nagbubunga ng karunungan, biyayang kaloob ng Maykapal.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Kung matamlay o masama ang pakiramdam, paniningil lamang ng pag-abuso o pagbabalewalang ginagawa sa kalusugan. Simulan ngayon ang pagbibigay ng halaga sa kalusugan para hindi magsisi. Kung walang karamdaman, maraming positibong bagay ang magagampanan o magagawa subalit huwag kaligtaan ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 8, 25, 36 at sky blue.

SCORPIO (Oktubre 24- Nob­yembre 22) – Maaaring lumaki ang munting problema kung hindi kaagad maaaksyunan. Aksiyon agad sa suliranin dahil kung hahayaan, hahantong sa matinding problema. Huwag hayaang makaalpas ang magandang pagkakataong darating dahil hindi na babalik. Lucky numbers at color for the day ay 18, 28, 30, 38 at lavender.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Kung may makakasagupa na walang paggalang, ito ay larawan ng sariling gawain. Panahon ng pagbabago sa masamang ugali para matamo ang pagwalang respeto ng kapwa. Alam ng sarili kung ano ang hindi magandang ginagawa, kung babaguhin ngayon may suwerteng darating. Lucky numbers at color for the day ay 5, 9, 28, 39 at jade green.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Walang magi­ging problema sa maghapon, maliban sa makakadanas ng pagod o pananakit ng katawan. Iwasan na sumama sa paanyaya ng kaibigan nang hindi magsisi. Iwasan ang magsugal dahil tiyak matatalo. Kung ikaw ay nanaginip, kabaligtaran ang mang­yayari. Lucky numbers at color for the day ay 8, 14, 28, 38 at beige.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Magandang gantimpala ang matatanggap sa mga nakagawa ng kabutihan. Sa nakagawa ng kasamaan, masama ang matatamo dahil oras ng paniningil at pagbabayad sa ginawa. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 23, 31 at white.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Kung may lakad o lalakarin, gawin sa umaga para magtagumpay. Iwasan na pagkalipas ng tanghali na walang mapapala at mag-aakasaya lamang ng oras at panahon. Huwag manghiram o magpahiram ng anumang bagay dahil hindi maisasauli o mababayaran. Lucky numbers at color for the day ay 2, 22, 24, 34 at violet.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Kung inaasahan mong suportado ka ng iyong boss o ng nakakataas, nagkakamali ka. Sariling sikap at diskarte ka sa lahat ng bagay sa araw na ito. Kung may reklamo, mungkahi o suhestiyon, huwag gawin ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 14, 22, 29, 34 at pink.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Kung positibo ang isip o iisipin, hindi magkakamali sa mga gagawin lalo na kung may gagawing desisyon. Malamang isang Pisces ang makapagbibigay ng kasiyahan. Mag-ingat baka isang Sagittarius o Cancer ang magbibigay ng hinanakit o sama ng loob. Lucky numbers at color for the day ay green.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Magpakatotoo, prangka at tapat. Disiplina sa sarili ang taglayin sa bawat salita, kilos at gawa. Alam ng sarili ang masamang ugali. Kung babaguhin, tiyak magbabago ang takbo ng buhay patungo sa kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ay 1, 25, 27, 34 at golden yellow.   

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Kilos at gawa sa lahat nang makakaya para matupad ang pangarap. Kung ano ang pinapangarap sarilihin, huwag ipagsasabi o ikuwento para hindi masabing nagyayabang. Suportado ka ng iyong pamilya. Lucky numbers at color for the day ay 1, 12, 28, 38, at yellow.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Duda ka sa sarili kung ano ang dapat gawin. Hingiin ang opinyon ng higit sa nakakaalam dahil nasa pagitan ka ng pagkakamali at tama dahil sa kalituhan. Huwag magpadalus-dalos ng desisyon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 6, 19, 33 at tangerine.   

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Isang Capricorn ang magbibigay ng kasiyahan. May pagkakataon na makasagupa ka ng taong arogante o mainitin ang ulo. Kung mang­yayari, pairalin ang pasensiya para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 37, 41 at apple green.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUWAG

IWASAN

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with