^

Kutob

Oktubre 1, 2014

KUTOB - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Malakas ako dahil sa habag ng Dios.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Maaaring madawit ka nang dahil sa iba ngunit maiiwasan kung magi­ging alerto at magiging mapagmasid. Lucky numbers at color for the day ay 4, 6, 31, 39 at fuschia.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Walang imik, walang mali. Kakaunting salita, kakaunti ang mali. Baguhin ang dapat baguhin sa ugali para landasin ang kaunlaran sa buhay. Lucky numbers at color for the day ay 2, 6, 25, 36 at red.  

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Ngayon mauunawaan na hindi lahat ng ugali ay katulad sa sarili. Mapapatunayan na ang pangako ay mapapako at hindi matutupad. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 28, 39 at pale yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Mahalagang pag-usapan ang tungkol sa lumalabong relasyon, pagsasama o negosyo. Hinahon ang kailangan sa pagresulba ng suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 12, 31 at indigo.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Kung magi­ging positibo ang pananaw, magsisimula ang maayos na takbo ng buhay. Maisasakatuparan ang pangakong binitiwan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 13, 27, 36 at rose quartz.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Aanihin ang itinanim. Kung ano ang ginawa ay siyang mangyayari. Iwasan ang sobrang mapaghinala sa kapareha o kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 8, 14, 15, 37 at violet.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Kung malakas ang kutob na positibo ang kalalabasan ng anumang gawain o gagawin, ituloy dahil may mapapala. Maliban kung labag sa batas ng lipunan at langit. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 21, 25 at bright yellow.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Huwag ituloy at ipagpaliban kung anong mahalagang binabalak dahil hindi magbubunga ng maganda. Pansamantala, ibaling ang atensyon sa paglilinis o pag-aayos ng bahay o kagamitan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 28, 35 at sky blue.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Ilang pagbabago ang mangyayari sa aspeto ng pag-ibig, dahil tiyak na ang damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 3, 6, 14, 18 at jade green.

CANCER (Hunyo 22-Hul­yo 22) – Magiging suliranin ang pinansiyal. Simulan ang masinsinang pagba-budget dahil ito lamang ang tanging paraan para makaahon sa kagipitan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 5, 17, 20 at red.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) –Ituloy ang mga binabalak dahil magiging positibo ang resulta, huwag lamang ang labag sa batas ng tao. Kung may lakad na pang-personal o pang-negosyo, huwag magdalawang-isip dahil magtatagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 21, 24, 30, 39 at yellow.

VIRGO (Agosto 23-Set­yembre 23) – Magiging mapusok ka ngayon at kung walang self-control, dadal­hin ka sa kapahamakan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 21, 23 at scarlet.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAHIL

DAY

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with