^

Kutob

Setyembre 30, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Nananahan sa puso ko ang banal na Espiritu ni Hesus.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Malamang may magandang balita na matatanggap na ikakasaya. May matutuklasan na siyang magiging dahilan para maging malungkot. Ang mahalaga ay maging praktikal sa anumang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 24, 35 at maroon.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Kung haharapin ang dapat harapin, lalo kang makikilala dahil sa iyong talino at husay. Iwasan na magbigay ng opinyon sa taong hindi lubos na kilala dahil kabaligtaran ang kanyang akala sa hangad mong makatulong. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 24, 39 at peach.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Magiging mapusok ka ngayon at kung walang di­siplina sa sarili, dadalhin ka sa kapahamakan. Nga­yon dapat iwasan ang mga barkada dahil masasabit sila sa iyong gagawin o ikaw ang masasabit sa kanila. Lucky numbers at color for the day ay 4, 16, 27, 31 at brown.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Magi­ging abala ka sa maraming bagay, pang-personal o sa trabaho. May magtatampong kaibigan, kasambahay o kasamahan dahil hindi mo mapapaunlakan ang hiling. Huwag magpautang ng pera dahil matagal bago mabayaran. Lucky numbers at color for the day ay 11, 23, 39, 44 at pink.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Kung may suliranin ang iyong kaibigan, kasamahan o kasambahay ikaw ang makakaresulba sa pamamagitan ng payo o materyal na bagay. Hindi mo maiiwasan ang magpaunlak kung may manghihiram ng pera. Lucky numbers at color for the day ay 17, 24, 39, 41 at sky blue.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Praktikal ang dapat gamitin sa tahanan at maging sa trabaho. Wala kang maaasahang tulong mula sa kasamahan, kaibigan, kasambahay at maging sa kamag-anak ngayon. Kaya sariling sikap ang dapat. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 30, 41 at tangerine.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Pag-isipang mabuti ang mungkahi o suhestiyon. Kung maganda ang idudulot, tanggapin o sundin. Kung inaakalang walang mapapala, tanggihan. Huwag magpadalus-dalos ng pasya, kapakanan ng sarili ang dapat isaalang-alang. Kung may duda, huwag ituloy. Lucky numbers at color for the day ay 10, 26, 33, 40 at violet.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Maging alerto at makiramdam ng mabuti. Ang inggit ng mga kasamahan sa trabaho, kapitbahay o mga kaibigan ay hindi maiiwasan. Malamang sisiraan ka nang dahil sa ing­git. Malamang isang kaibigan ang magtatraydor. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 30, 42 at white.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Lingunin ang pinang-galingan at iwasan ang maghangad na lumipad ng mataas dahil kung babagsak sasambulat ang lahat ng pangarap. Magpakatotoo, iwasan ang pagka-plastik at pagsisinungaling dahil niloloko lang ang kapwa at sarili. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 25, 40 at gray.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Sasama ang iyong mood o pakiramdam sa sitwasyon ngayon. Kailangan ang payo ng higit na nakakaalam. Walang mangyayaring solusyon kung ikaw ay tutunganga lamang. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 26, 37 at green.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Ang pagpaparaya ay pagpapakita ng pagka-maunawain at pagmamahal. Huwag mabahala dahil ang kapalit ng tiwala ay kaligayahan. Ang tiwala ay kakambal ng pag-ibig at pagmamahal kaya dapat alagaan nang hindi masira. Lucky numbers at color for the day ay 3, 15, 19, 38 at red.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Ang nararam­damang sakit ay mapapawi. Pagbigyan ang sarili na makapaglakbay sa ibang lugar para maiba ang ihip ng kapalaran. Ang magbakasakali maliban sa pagsusugal ay inaayunan ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 7, 24, 36 at orange.

vuukle comment

COLOR

DAHIL

DAY

HUWAG

KUNG

LUCKY

MALAMANG

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with