^

Kutob

Setyembre 28, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Alam ng Dios ang mabuti para sa akin, hindi Niya ako pababa­yaan.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Kung tapat ang hangarin, ituloy dahil magtatagumpay. Walang dapat ipangamba kung malinis ang intensiyon. Kung nasa isip ay tama, gawin. Naaayon ang makipagsos­yalan o makihalu-bilo sa mga barkada. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 36, 42 at orange.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Huwag mahiya, magtanong kung hindi alam. Sa pagdudunung-dunungan, kapahamakan ang mapapala. Kung may pagdududa, kumunsulta sa higit na nakakaalam. Huwag ituloy kung hindi tiyak ang kalalabasan. Lucky umbers at color for the day ay 8, 19, 27, 34 at gray.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Aminin ang nagawang kasalanan. Huwag matakot na hindi mapatawad. Lalong sasama ang loob niya kung sa iba malaman ang nagawa. Ang tao ay may pagkakamali, ang mahalaga marunong tumanggap, magsisi at handang magbago. Lucky numbers at color for the day ay 7, 14, 28 42 at red.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Bumagsak man sa pagsusulit, huwag paghinaan ng loob. Sa halip, ang nangyari ay hamon sa pagsisikap. Kulang ka sa kahandaan kaya ugaliin ang maging maagap. Ang pagkakamaling nagawa ay isang leksiyon na hindi dapat maulit. Lucky numbers at color for the day ay 10, 24, 32, 41 at yellow.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Huwag mahiyang magsabi sa magulang na kailangan ang pera na pambili ng gamit. Higit sa inaasahan, hinihintay lamang nila na magsabi at handang-handang ibigay ang tulong. Maaasahan ang suporta ng magulang at kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 23, 39, 44 at pink.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Isang kaibigan ang hihingi ng payo. Kahit masasaktan siya, gawin para malaman niya ang katotohanan at mapagtanto ang kanyang pagkakamali. Maging tapat sa sarili at sa kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 25, 36 at gray. 

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Kung may problema sa relas­yon, posibleng humantong sa hiwalayan ng landas kung hindi aayu­sin ngayon. Iwasan na magkaroon ng alitan. Pag-aralan ang gagawing desisyon bago sumang-ayon o gawin. Lucky numbers at color for the day ay 20, 27, 39, 43 at brown.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Pinsan, kamag-anak o kaibigan ang makakatulong para maayos ang problema. Makinig at sundin ang payo. Kung selos ang ugat ng hindi pagkakaunawaan, hahantong sa matagal na hindi pagbabati. Ayusin ito agad. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 23, 31 at mint green.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Magkakasamaan ng loob ang magkasintahan dahil sa selos. Walang idudulot na kabutihan kung makikipagmatigasan. Masisira ang relasyon nang walang mabigat na dahilan kung pride ang paiiralin. Magpakumbaba kung kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 27, 37 at sky blue.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Huwag mawalan ng pag-asa kung hanggang ngayon ay walang trabaho o walang nangyayari sa buhay. Makakahanap din ng trabaho kung magtitiyaga at magtitiwala sa sarili. Sipag at tiyaga ang kailangan para magtagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 13, 20, 27, 31 at white.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Walang dapat ipag-alinlangan sa kasuyo o minamahal dahil tapat ito sa iyo. Kung may duda, iwaglit dahil nagkakamali ka. Kabaligtaran ang negatibo sa isip. Tuklasin muna bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 24, 41 at beige.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Huwag pilitin ang sarili kung may duda dahil kapahamakan ang aabutin. Dahil sa puyat o pagod, hindi magagawa ang dapat gawin. Magpahinga para manumbalik ang enerhiya ng kasiglahan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 11, 29, 38 at green.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with