^

Kutob

Setyembre 26, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang kagalingan na mula sa Dios ay dumadaloy sa buhay ko.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Kaya masaya ang minamahal ay dahil sa naging mapagparaya ka at hindi naging makasarili. Ang maging maalalahanin ay may ganting pagmamahal. Kung naging makasarili ka noon, ngayon dapat baguhin bago maging huli ang lahat. Lucky numbers at color for the day ay 17, 24, 31, 38 at light blue.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Iwasan ang pagka-agresibo dahil sa halip na mapalapit ang kalooban ng minamahal ay mawawalan ng tiwala sa iyo. Kung naging mapusok, daranasin ang kapahamakan. Matutong tumanggap ng kabiguan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 25, 29, 36 at blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Palagpasin sa kabilang tenga ang maririnig. Huwag patulan ang naghahanap ng gulo. Mapapatunayan na ang maunawain ay hahangaan ng kapwa. Makakagawa ka ng isang bagay na hahangaan ng marami. Lucky numbers at color for the day ay 14, 25, 28, 33 at white.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Huwag mainis kung magiging makulit ang mga taong nakapaligid dahil sadyang malapit ka ngayon sa mga ito. Nais lang nila na may patutunguhang maganda ang iyong pinaghirapan. Huwag maging waldas sa pera. Lucky numbers at color for the day ay 1, 2, 29, 37 at brown.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Problema sa pag-ibig ang magdadala ng tamlay. Kung hindi mapaglalabanan, hahantong sa isipan na sisirain ang sarili. Huwag mag-alala dahil sadyang hindi siya bagay sa iyo at pagsisisihan mo kung kayo ay magkatuluyan. May nakalaan para sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 15, 18, 29, 37 at gray.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Sa bawat araw na nagdaraan nakakaramdam ka ng pagkainip at pagkainis sa sarili dahil parang walang mangyayari. Ito ang tamang panahon para isakatuparan ang matagal nang binabalak. Kung nag-a-apply, lakarin dahil may pag-asa. Lucky numbers at color for the day ay 2, 12, 33, 41 at pink.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Mali ang inaakala ng lahat na hindi mo dinaramdam ang mga bagay na sinasabi sa iyo. Umaksiyon, huwag pahintulutang manatili sa dibdib ang kinikimkim na sama ng loob. Ipaglaban ang kapakanan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 35, 42 at orange.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Magiging masaya ang susunod na mga araw ngunit nakakalungkot na ngayon ay matamlay ka dahil sa kakapusan o problema. Maging maunawain at makikita ang pagpapahalaga ng minamahal sa mga bagay na mahalaga sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 3, 5, 38, 41 at yellow.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Isiping mabuti ang mga dapat na gawing hakbang bago kumilos para maiwasan ang magsisi. Lalong makakasama sa binabalak ang mga desisyon na hindi pinag-iisipan ng mabuti. Pag-isipan ang kalalabasan ng gawain kung magbubunga ng mabuti o makakasama sa sarili at sa kapwa bago pumalaot. Lucky numbers at color for the day ay 15, 20, 26, 37 at lilac.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Upang maiwasan na magkaroon ng samaan ng loob, kahit labag sa damdamin pagbigyan ang kahilingan ng nakararami. Sa pag-ibig, makakarating sa kaalaman ng kasintahan ang pakikipagrelas­yon sa iba. Lucky numbers at color for the day ay 8, 14, 34, 40 at jade green.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Mag-ingat sa pagsasalita nang hindi mapahiya sa kapwa. Huwag damdamin ang pangyayari dahil makakabawi ka sa ibang paraan. Mag-ingat ngayon dahil magiging malapit sa iyo ang manakawan o ma-hold-up. Lucky numbers at color for the day ay 19, 28, 36, 39 at fuchsia.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Kung may problema dahil sa pangangailangan, ngayon makikilala ang tunay na mga kaibigan. Sa oras ng kagipitan at pangangailangan, masusubok ang tunay na kaibigan. Ngayon mo makilala kung sino ang hindi at makakatulong sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 11, 19, 25, 37 at sky blue.

 

vuukle comment

COLOR

DAHIL

DAY

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with