^

Kutob

Setyembre 25, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ipinagpapasalamat ko ang lahat ng gawain ko sa buong araw. Dahil bawat bahagi nito, hatid ang pagpapala mula sa Dios.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Pag-aralan mong mabuti ang gagawin para hindi ka mabigo. Walang masama kung titiyakin na magtatagumpay bago simulan ang paggawa. Lucky numbers at color for the day ay 5, 8, 36, 42 at neon green.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Hawak mo ang susi ng tagumpay. Nasa iyo ang paraan ng pagbukas. Huwag mong hintayin ang tulong ng iba dahil nasa sariling gawa ang tagumpay. Kumilos ka kaagad. Lucky numbers at color for the day ay 3, 7, 34, 39 at lavender.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Dahil sa iyong kabutihan at kabaitan, makakasagupa mo ang taong mapagsamantala. Upang maiwasan ito, lubos na pag-iingat ang isaalang-alang.  Lucky numbers at color for the day ay 17, 24, 32, at avocado green.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Mag-ingat dahil ang naiinggit ay may gagawin na iyong ikakasira. Magmatiyag, magmasid at mag-ingat na hindi ka makitaan ng kahit kaunting butas ng pagkakamali na maaaring pagmulan ng tsismis at paninira. Lucky numbers at color for the day ay 8, 12, 24, 32 at avocado green.

AQUARIUS Enero 20- Pebrero 18) – Kung hindi nakakatiyak, huwag sumugod dahil kapalpakan ang hahantungan. Taglayin palagi ang seguridad ng kapakanan upang maiwasan na maaksidente o mapahamak. Lucky numbers at color for the day ay 1, 4, 40, 44 at indigo.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Malakas ang hatak ng bato-balani ng iyong pagkatao, na bagay gamitin sa pagkumbinsi kahit na sa makukulit at mahirap kausapin. Lucky numbers at color for the day ay 17, 26, 34, 39 at pink.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Matutupad ang matagal mo nang gustong mangyari. May pipitasin kang bunga ng iyong pagsisikap at pagtitiyaga. Lucky numbers at color for the day ay 12, 13, 37, 40 at peach.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Lingunin ang iyong mga pinagdaanan dahil dito makikita ang kasagutan sa iyong kasalukuyang suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 15, 17, 18, 23 at red.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Mali ang iyong nakagawian na pamamalakad sa mga gastusin kaya naghahabulan ang income at gastos, at kalimitan kapos. Kung sisimulan ang tamang accounting ng income at gastusin, tiyak may maiimpok. Lucky numbers at color for the day ay 12, 13, 24, 31 at purple.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Kung hindi mo iiwanan ang kasalukuyang bisyo ng pagsusugal, ito ang magiging dahilan ng iyong pagbagsak at lalandasin ang kahirapan. Hangga’t maaga at may sapat na panahon pa, baguhin ang inaakalang ma­ling paraan at patakaran sa buhay. Lucky numbers at color for the day ay 8, 10, 33, 37 at yellow.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Walang magandang kahihinatnan ang magpadalus-dalos. Habaan ang pasensya dahil iiral ang pagkamainitin ng ulo. Lucky numbers at color for the day ay 14, 15, 30, 40 at jade green.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Simulan ang iyong mga binabalak dahil may bunga kang mapapala. Huwag ipagpabukas ang dapat gawin ngayon. Ang iyong inaasahan na mula sa iba ay walang katuparan. Ang sariling sikap ang siyang makapagliligtas sa mga pangangaila­ngan. Lucky numbers at color for the day ay 13, 17, 22, 35 at sky blue.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAHIL

DAY

IYONG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with