^

Kutob

Setyembre 23, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang himala ng Dios ay kumikilos sa puso ko.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Mapapansin mo ang unti-unting panlalamig ng kaibigan o minamahal. Kung hindi mo alam ang dahilan, walang masama kung tanungin para magkaliwanagan. Daanin sa diplomasya ang pakikipag-usap nang walang masaktang damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 13, 21, 34, 42 at brown.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Malaki ang iyong pagkukulang sa pamilya o minamahal kaya siguro, panahon na para makabawi. Kung may iuuwi kang pasalubong sa pamilya o minamahal lalong mapagtitibay ang pagmamahal at tiwala. Lucky numbers at color for the day ay 11, 14, 27, 40 at tangerine.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Pag-isipan ng mabuti ang ginagawa para hindi magkamali. Kung ano ang masakit sa iyo ay masakit rin sa iba kaya mag-ingat sa pagsasalita o sa paggawa. Lucky numbers at color for the day ay 17, 26, 30, 39 at red.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Masakit man ngunit huwag balewalain ang pangaral sa iyo. Ang mungkahi o suhestiyon ay dapat isa-alang-alang dahil may katuwiran sila at mali ka. Kung susundin mo ang sinabi sa iyo, may maganda kang patutunguhan. Lucky numbers at color for the day ay 16, 17, 34, 40 at beige.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Nang dahil mayroon ka ngayon, huwag magtaka kung ikaw ay lalapitan at hingian ng tulong. Mas mainam ang magbigay kaysa humingi at mas maganda ang magpautang kaysa umutang. Lucky numbers at color for the day ay 7, 11, 37, 42 at emerald green.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Kung paiiralin mo ang iyong pagka-mahiyain, talo ka dahil hindi mo masasabi ang gusto mong sabihin. Walang masama kung sasabihin ang nilalaman ng kalooban. Kung hiya ang mamamayani, hindi mo makukuha ang iyong pakay. Lucky numbers at color for the day ay 19, 28, 36, 39 at pink.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Kung daragdagan mo pa ang pagtitiyaga at pagsisikap, makakamit mo ang iyong minimithi. Abot-kamay na lamang ang tagumpay dahil nasa tamang landas ka kaya huwag kang umurong. Huwag kang maging duwag sa iyong ikatatagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 1, 11, 22, 37 at maroon.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Kung may lalakarin gawin pagkalipas ng tanghalian para hindi madismaya. May kalituhan ka sa iyong gawain ngunit kung hihimay-himayin at pag-iisipang mabuti may magandang resulta. Lucky numbers at color for the day ay 17, 28, 32, 39 at peach.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Madadamay ka sa mga tao na negatibo ang enerhiya kung hindi ka magi­ging matatag sa iyong prinsipyo at patakaran sa buhay. Huwag paunlakan ang udyok ng kasamahan dahil masisira ka at magsisisi. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ay 11, 19, 25, 34 at white.

GEMINI  (Mayo 21 - Hunyo 21) – Ituloy ang binabalak dahil magiging positibo ang kalalabasan. Huwag pansinin ang sinumang sasalanta sa iyong mga plano. Nasa tamang landas ang iyong tagumpay kaya huwag aksayahin ang panahon. Kilos agad. Lucky numbers at color for the day ay 16, 24, 28, 44 at green.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Hindi maganda ang araw para sa iyo ngunit kung magiging mahinahon, mapagpasensya at magiging maunawain, makakaraos ng matiwasay ang iyong araw. Iwasan ang magalit at ang padalus-dalos na pasiya. Lucky numbers at color for the day ay 12, 29, 35, 37 at light green.

LEO  (Hulyo 23 - Agosto 22) – Huwag hayaan kung may problema na hindi maresulba dahil lalong lalaki kung mapapabayaan. Ang munting sindi ng apoy kung hindi aagapan, pagsalanta ay lilikha ng malaking sunog. Kung tututukan ang solusyon sa problema, tiyak may mahahagilap na magandang solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 19, 26, 36, 41 at mint green.

 

 

vuukle comment

COLOR

DAY

HUWAG

IYONG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with