^

Kutob

Setyembre 20, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Sapat ang biyaya ng Dios sa buong araw.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Alam mong tama ka, subalit lalong mabuti kung huwag kang makialam sa desisyon ng iba. Harapin ang sari­ling suliranin dahil may kalutasan kung pagtutuunan ng pansin. Magbigay ng positibong resulta kung sisimulan kaagad ang binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 14, 19, 21, 39 at fuchsia.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Magta­tagumpay sa nilalakad kung sa umaga gagawin. Magaan ang pasok ng pera. Ang daloy ng komunikasyon ay mabilis at may mga magandang balitang masasagap. Maganda ang takbo ng pangangalakal. Lucky numbers at color for the day ay 2, 14, 29, 35 at ocean blue.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Ang tahanan o pinagtatrabahuhan ang mapagtutuunan ng pansin. Magiging mainitin ang ulo sa mga kaguluhang makikita. Hinahon ang kailangan nang walang masaktang damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 25, 31 at lavender.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Dagdagan ang tiyaga at panalangin para makaiwas sa bulilyaso. Maraming pagkakamali ang magagawa ngayon. Hinahon at dahan-dahan ang kailangan. Mag-ingat sa pakikipag-ugnayan sa komunikasyon o sa iba dahil ang kapareha ay magiging selosa. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 19, 24 at green.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Ang tunay na kaibigan sa ginhawa at kagipitan ang damayan. Ngayon mapapatunayan ang tunay na kaibigan. Tawag ng panahon para iwasan ang kaibigan sa turing at wala sa damayan. Magandang balita dahil magiging maligaya ang pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 19, 30 at dollar green.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Malakas ang tiwala sa sarili at positibo ang pag-iisip sa mga gawain o ginagawa. Walang suliranin sa pamilya o minamahal. Nasa tamang landas ng kasaganahan, sa kabuhayan at pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 10, 14, 35, 36 at blue.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Malamang manghiram ng pera ang isang kaibigan o kamag-anak suba­lit dapat tanggihan dahil tiyak hindi mababayaran. Huwag magalit sa payong maririnig, mabuting pag-aralan muna ng mabuti bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 24, 30 at gray.

ARIES Marso 21 - Abril 19) – Mag-relax o mamas­yal dahil makakatulong na manumbalik ang enerhiya ng sigla. Magiging makitid ang isip kaya iwasan ang mapikon at madaling mag-init ang ulo. Iwasan ang maglasing at magsugal, gayundin ang biruan at kantiyawan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 10, 13, 25 at orange.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Anumang paanyaya ay dapat tanggihan. Iwasan ang sosyalan. Pag-aralang mabuti ang kasulatan o kasunduan bago lagdaan. Kung may balak na maglakbay, ipagpaliban dahil mag-aaksaya lamang ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 5, 15, 24, 30 at pink.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – May mag-aalok ng trabaho subalit mas magandang pag-aralan muna ng mabuti at timbangin ang kabutihan na mabibigay kaysa sa kasalukuyang trabaho. Nasa pagitan ka ng pagkakamali at tama. Panalangin ang kailangan para magkaroon ng patnubay sa tamang desisyon. Lucky numbers at color for the day ay 16, 20, 31, 42 at maroon.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Huwag magmadali. Hintayin ang tamang oras at pagkakataon sa gustong mangyari. Maraming gustong gawin na pagbabago ngunit mahihirapan na magpaliwanag sa kinauukulan. Maging tapat sa gustong mangyari. Lucky numbers at color for the day ay 10, 12, 14, 31 at light green.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Nasa kundisyon at kasiglahan ka at handa harapin ang anuman. Magi­ging masayahin na halos lahat ng kakilala ay magugulat sa asal na makikita. Isa lamang ang dahilan, pag-ibig. Mag-ingat dahil isang kaibigan ang malamang magtraydor o magtaksil. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 12, 28 at cream.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAHIL

DAY

DISYEMBRE

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with