^

Kutob

Setyembre 19, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ipinagkakatiwala ko sa Dios ang buong buhay ko.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Maging mahinahon at mapagpasensya kung may hindi pagkakaunawaan na malamang biglang susulpot mula sa kasamahan o sa tahanan. Lalong lalala ang hindi pagkakaunawaan kung idadaan sa dahas o init ng ulo. Iwasan na makapagsalita na ikasasakit ng damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 15, 20, 22, 42 at yellow.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Huwag magdamdam kung hindi matutupad ang pangako o ipinangako. Alamin ang dahilan bago magdesisyon. Huwag basta magalit kung walang paliwanag ang kabilang panig. Makinig sa katu­wiran. Lucky numbers at color for the day ay 12, 24, 31, 41 at brown.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Huwag pairalin ang init ng ulo sa pagharap ng problema dahil hindi makakapag-isip ng magandang solusyon. Alalahanin na laging nakasuporta ang mahal kaya walang dapat ipangamba. May gulo na mangyayari kung idaraan sa dahas ang gusto. Lucky numbers at color for the day ay 16, 26, 38, 42 at fuchsia.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Nakatakdang mabuo ang isang relasyon sa pagitan ng kasamahan sa trabaho o isang kaibigan. Bagay kayong dalawa kaya’t walang magiging problema. Kung tiyak ang sarili, walang dahilan para tumanggi. Tanggapin ang inaalok kung inaakalang liligaya. Lucky numbers at color for the day ay 6, 7, 35, 41 at magenta.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) Isang suliranin na matagal nang bumabagabag ang mareresulba. Malaki ang pasasalamat ng mina­mahal o kaibigan dahil sa ginawang tulong. Maa­aring magkaroon muli ng ibang suliranin ngunit walang maaasahang tulong mula sa iba. Lucky numbers at color for the day ay 7, 14, 31, 38 at violet.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Huwag palawakin ang alitan sa kabiyak o minamahal para hindi mauwi sa walang imikan. Kailangang paminsan-minsan, ikaw ang magpakumbaba. Ang ka­unting bagay na dapat pag-usapan ay huwag idaan sa tampo o sa pagwawalang imik. Lucky numbers at color for the day ay 18, 26, 36, 42 at ocean blue.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Huwag asahang sasagutin ka ng nililigawan dahil marami kang kaagaw. Ipakita ang totoong ugali at tiyak magugustuhan ka. Ang katangian na maalalahanin, ma­pagbigay, maunawain ay magbibigay ng malaking pag-asa sa binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 18, 21, 25, 36 at beige.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Kung inaakalang hindi tama ang pagsagot sa manliligaw ng “oo” makakabuting pag-isipan muna ng maraming beses bago magdesisyon. Hindi ang opinyon ng kaibigan tungkol sa pag-ibig ang susundin dahil sarili ang nakataya. Kung bukal sa puso ang gagawin, walang dahilan para patagalin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 27, 34, 39 at green.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Maganda ang personalidad ngayon na aakit sa mga kaibigan lalo na sa tagahanga. Tanggihan ang hindi gusto o labag sa kalooban para maiwasan na mapahamak. Sa pag-ibig, ang may inisyal na B o C ang may lihim na paghanga at malamang magtapat ng saloobin. Lucky numbers at color for the day ay 17, 20, 37, 39 at orange.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) –  Ang gawaing­ pisikal ay inaayunan ng panahon. Huwag mag­malabis sa gawaing mental dahil kalusugan ang bibigay. Ang binabalak na sosyalan ay hindi makakatulong sa hinahangad at mag-aaksaya lamang ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 18, 21, 36, 33 at indigo.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Marami ang nakapuna sa pagbabago ng ugali. Huwag ilagay sa ulo ang natatanggap na suwerte o katanyagan dahil babawiin kung paiiralin ang masamang ugali. Magpakumbaba. Alalahanin na laging nakasuporta ang mahal sa lahat ng pangarap. Lucky numbers at color for the day ay 16, 25, 26, 41 at pink.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Nasa magandang pag-uusap mareresulba ang problema. Ang panlalamig ng kabiyak o minamahal ay sariling kasalanan. Hanapin ang paraan upang mabalik ang dating tamis at init ng pagmamahal kung nasa kalooban na ayaw masira ang pagsasama o maging sawi sa pag-ibig. Lucky numbers at  color for the day ay 11, 19, 29, 40 at lavender.

 

 

 

 

vuukle comment

ABRIL

COLOR

DAY

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with