^

Kutob

Setyembre 18, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang grasya ng Dios ang nagligtas sa akin.

VIRGO (Agosto 23 - Set­yem­­bre 23) – Iwasan ang pagka-agresibo dahil sa halip na mapalapit ang kalooban sa minamahal ay mawawalan ng tiwala. Lucky numbers at color for the day ay 19, 25, 29, 36 at blue.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Mag-ingat sa pagsasalita nang hindi mapahiya sa kapwa. Huwag dam­damin ang pangyayari dahil maka­kabawi ka sa ibang paraan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 10, 26, 39 at fuchsia.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Pagbig­yan ang kahilingan ng nakararami. Ito ang tanging paraan para maiwasan na magkaroon ng samaan ng loob. Lucky numbers at color for the day ay 8, 24, 34, 40 at jade green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Mali ang akala ng lahat na hindi mo dinadamdam ang mga bagay na sinasabi sa iyo o ginawa sa iyo. Umaksiyon, huwag pahintulutang manatili sa dibdib at kinikimkim ang sama ng loob. Lucky numbers at color for the day ay 2, 27, 35, 42 at orange.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Kung may problema, makikilala ang tunay na mga kaibigan. Sa oras ng kagipitan at pangangailangan masusubok ang tunay na kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 19, 25, 37 at sky blue.

AQUARIUS (Enero 20 - Peb­rero 18) – Isiping ma­buti ang mga dapat gawin na hakbang bago kumilos. Lalong makakasama sa binabalak ang mga de­­sisyon na hindi pinag-isipang ma­buti. Lucky numbers at color for the day ay 5, 9, 26, 37 at lilac.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Maging maunawain at makikita ang pagpapahalaga ng minamahal sa mga bagay na mahalaga sa iyo. Ang tunay na pag-ibig ay nakikita sa gawa at hindi panay sa salita. Lucky numbers at color for the day ay 3, 6, 32, 41 at yellow.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Suliranin sa pag-ibig ang magdadala ng tamlay. Huwag mag-alala dahil sadyang hindi siya bagay sa iyo at pagsisisihan mo kung kayo ang magkakatuluyan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 8, 21, 37 at gray.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Huwag mainis kung magiging makulit ang mga taong nakapaligid dahil sadyang malapit ka ngayon sa mga ito. Huwag maging waldas sa pera. Lucky numbers at color for the day ay 1, 21, 29, 37 at brown.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Ang maging maalalahanin ay may ganting pagmamahal. Kung naging makasarili ka noon, ngayon dapat baguhin bago maging huli ang lahat. Lucky numbers at color for the day ay 17, 24, 27, 38 at light blue.

CANCER (Hunyo 22 - Hul­yo 22) – Sa bawat araw na nagdaraan, makakaramdam ka ng pagkainip at pagkainis sa sarili dahil parang walang mang­yayari. Ito ang tamang panahon para isakatuparan ang matagal nang binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 2, 22, 33, 41 at pink.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Palipasin sa kabilang tainga ang maririnig. Huwag patulan ang naghahanap ng gulo. Lucky numbers at color for the day ay 14, 15, 28, 43 at white.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

HUWAG

LUCKY

NUMBERS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with