^

Kutob

Setyembre 15, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang pag-ibig ng Dios ang kalakasan ko.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Susum­pungin ka ngayon. Tatamarin o madaling mag-iinit ang ulo. Upang maiwasan, makakabuting mag-ehersisyo hanggang lumabas ang pawis. Kung susundin ang payo, magiging masigla at kabigha-bighani ang anyo, madaling makausap at walang magiging problema. Lucky numbers at color for the day ay 16, 25, 38, 42 at fuchsia. 

LIBRA (Setyembre  24 - Oktubre 23) – Kaila­ngan mo ngayon ang tulong ng iba sa iyong problema. Ang tamang suhestiyon o payo ay siyang makakalutas ng iyong suliranin. Upang magkaroon ng tamang gabay, kumunsulta sa nakakaalam. Huwag sarilihin ang problema dahil hindi mo kayang lutasin na mag-isa. Lucky numbers at color for the day ay 10, 9, 29, 40 at lavender.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Pag-aralang mabuti ang iyong damdamin at saloobin tungkol sa kanya. Huwag magpadalus-dalos sa iyong iniisip. Ang biglaang desisyon ay magdudulot ng kapahamakan. Huwag damdamin o sumama ang loob kung may magpayo o magbigay ng suhestiyon. Lucky numbers at color for the day ay 15, 29, 32, 41 at yellow.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – May nakaambang panganib sa relasyon at upang maiwasan, huwag makipag-ugnayan sa minamahal o kasosyo. Kung hindi maiiwasan ang makipag-ugnayan, maging mahinahon at pairalin ang diplomasya. Kung may maririnig na masakit na salita, palagpasin sa kabilang tainga­ at huwag pansinin. Lucky numbers at color for the day ay 18, 20, 26, 33 at indigo.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Mahihirapan kang makitungo sa mga taong nakapaligid, ngunit magiging masaya at masipag ka naman sa gawaing ipinapagawa sa iyo. Huwag pansinin ang nasa paligid, pansinin ang sarili at ginagawa. Kung may inaasahan kang darating, hindi ka mabibigo. Lucky numbers at color for the day ay 16, 25, 26, 41 at pink. 

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Hindi mapipigilan ang tukso na darating ngunit ang sarili ay nakapagpipigil kung madadala sa tukso. Ipikit ang mga mata at taimtim na manalangin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 7, 33, 39 at green.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Huwag biguin ang alok ng kaibigan, kapamilya o kasosyo dahil may mapapala ka rito. Maliban lang kung labag sa batas ng tao. Lucky numbers at color for the day ay 17, 20, 36, 39 at orange.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Dahil sa kakapusan, magiging sensitibo ka sa bagay na may kinalaman sa pinansiyal. Mawawalan ka rin ng suporta sa mga taong iyong inaasahan. Gayunpaman isipin na ang pangyayari ay isang gintong aral at magiging daan ng pang-sariling sikap at hindi umasa sa iba. Lucky numbers at color for the day ay 18, 26, 36, 42 at ocean blue.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Mababakas ang labis na kalungkutan sa iyong mukha. Pag-aralan mabuti ang sariling damdamin at ng minamahal. Gaano man kasakit ang tugon maging makatotohanan ka. Walang dahilan para patagalin ang buhay ng relasyon kung palaging kal­baryo ang dinadanas. Lucky numbers at color for the day ay 18, 23, 25, 36 at beige.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) –  Kung may suliranin tungkol sa pag-ibig madali kang makakahagilap ng tamang solusyon. Kung ang suliranin ay tungkol sa pinansiyal, wala kang mahahagilap na remedyo mula sa iba, maliban sa sarili. Huwag kang maging emosyonal lalo lamang madaragdagan ang problema dahil malaki ang magi­ging epekto sa kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 7, 35, 41 at magenta.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – May kapalpakan kang magagawa kung hindi mag-iingat. Repasuhin ang dapat gawin lalo na kung maselan at mahalagang bagay. Pag-isipan muna ng mabuti ang dapat at hindi dapat gawin. Dahan-dahan at iwasan ang magpadalus-dalos na pagkilos at pagdedesisyon. Lucky numbers at color for the day ay 7, 14, 34, 38 at violet.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Huwag gaanong magtiwala sa mga kasamahan sa trabaho. May nagha­ha­ngad na maagaw ang iyong puwesto at kung pababayaan, malamang maangkin ng iba. May panahon ka pang makabawi kung pag-uukulan ng pansin ang pagkukulang. Lucky numbers at color for the day ay 12, 14, 33, 41 at brown.

vuukle comment

ABRIL

COLOR

DAY

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

PAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with