^

Kutob

Setyembre 13, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ipagpasalamat sa Dios ang bawat kahinaan mo, dahil sa kalagayang ito mararanasan ang kapangyarihan Niya. Sa Kanya ka magtiwala.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Ang kaunting suliranin sa minamahal ay huwag dalhin hanggang sa trabaho. Isang lihim ang matutuklasan. Iwasan ang alitan at baka humantong sa tampuhan. Huwag pilitin ang sarili kung may alinlangan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 29, 39, 41 at brown.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Magkakaroon ng bagong alok sa trabaho. Anumang bagay na pagdesisyunan, dapat pag-isipan muna ang kahihinatnan bago pumalaot. Kung mag-a-apply ng trabaho sa umaga lakarin at tiyak matatanggap kung tama ang posisyon na kailangan. Maging positibo. Lucky numbers at color for the day ay 17, 26, 30, 42 at blue.  

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Ang paglilibang ay magdudulot ng kaligayahan ngunit iwasan ang labis na gastos. Mahalaga ang pagpaplano sa bagay na gustong simulan. Makakatulong ang isang matalik na kaibigan o magulang sa suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 22, 39, 40, 42 at aqua blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – May pagkakataon na mabalikan sa isip ang mga nakalipas na nagsisilbing aral. Ang mga pagkamaling nagawa ay aral na hindi na dapat maulit. Magiging maunlad kung positibo palagi ang isip. Lucky numbers at color for the day ay 15, 30, 40, 41 at neon green.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Maganda ang isip para tapusin ang trabaho. Isang tawag mula sa mahal ang makadaragdag ng kaligayahan at kasiyahan. Kaligayahan ang pakiramdam sa pagtulong ng kapwa o kaibigan. Magiging masaya at mapayapa ang tahanan. Lucky numbers color for the day ay 20, 25, 33, 34 at green.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Pairalin ang pagkamahinahon at pangunawa dahil magiging malapit ka sa mga taong pikon at mainitin ang ulo. Huwag magpabigla-bigla at pairalin ang pagpapasensiya. Kung gagawa ng mahalagang desisyon, pangalagaan ang kapakanan. Iwasan ang mangako. Lucky numbers at color for the day ay 9, 14, 32, 33 at red. 

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Maaliwalas at makulay ang pag-ibig. Iwasan ang mga tsismosa at pakialamera upang hindi masangkot sa gulo. Bigyang halaga ang kalusugan. Huwag ipagwalang bahala ang kaunting suliranin sa bahay, trabaho o kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 19, 25, 37 at sky blue.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. Kung isang Libra ang makikilala ngayon, magkakaroon ng relasyon at malamang magkatuluyan. May babalang gusot na mangyayari mula sa kamag-anak o sa tahanan. Isang kaibigan ang hihingi ng tulong, payo o manghihiram ng pera. Lucky numbers at color for the day ay 11, 22, 33, 40 at red.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Tanggapin ang pagkakamali. Mahalaga ang magtiyaga. Mapapalipas ang kaguluhan ng isip sa paglilibang. Maging mapamaraan sa pakikitungo ng kapwa. Ang payo kung gustong isaalang-alang ay pag-aralan muna ng mabuti. Lucky numbers at color for the day ay 2, 17, 23, 40 at orange.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Madaling pakitunguhan ang mga kamag-anak at mga kaibigan. Mapagtitibay ang relasyon sa tahanan at kaibigan. Iwasan ang maging mapusok. Maayos at walang balakid sa takbo ng mga gawain. Bagong pag-ibig ang makapagpapagulo sa isipan. Lucky numbers at color for the day ay 13, 22, 35, 39 at indigo.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Taglay ang pambihirang talas ng isip na bagay gamitin sa pagsasaliksik. Makakatawag ka ng pansin sa kausap upang pakinggan. Magawang makumbinsi kahit ang makulit o makitid ang pag-iisip. Matutuklasan ang gustong malaman. Lucky numbers at color for the day ay 8, 24, 34, 38 at jade green.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Taglay ang sigla subalit madaling mapipikon at magiging mainitin ang ulo. Tampuhan at hinanakit ang mapapala kung hindi paiiralin ang pagkamahinahon at pagpapakumbaba. Ang mapagpasensiya ay mapapalayo sa gulo. Lucky numbers at color for the day ay 18, 27, 36, 40 at yellow. 

vuukle comment

COLOR

DAY

HUWAG

ISANG

IWASAN

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with