^

Kutob

Setyembre 12, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Dakilang Dios, salamat dahil kilala mo ako nang lubos.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Huwag pagurin ang sarili sa paggawa ng bagay na hindi naman talaga kaya o hindi naunawaan ng lubusan dahil magsasayang lamang ng pagod o oras. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 27, 33 at orange.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Bigyang pansin ang ibang mga bagay na maa­aring makatulong sa ikatutupad ng pangarap. Lahat ng gawain ngayon ay nakatuon sa pagkamit ng magandang kinabukasan. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ay 5, 14, 28, 40 at indigo.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nob­­yembre 22) – Magtiwala sa anumang mangyayari da­hil makakarating ka rin sa patutu­nguhan. Maraming daan sa landas ng tagumpay subalit ang nag-iisang landas na sadyang nakalaan sa iyo ay siya pang kinakatakutan mong tahakin. Tiwala sa sarili ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 13, 25, 33 at maroon.  

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Huwag magpokus ng sobra sa isang bagay dahil mababalewala ang iba. Huwag magmadali dahil lalo lamang magkakamali. Lucky numbers at color for the day ay 15, 27, 35, 40 at green.   

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Huwag kimkimin ang sama ng loob dahil kapag hindi ito nakayanan, daig pa ang malaking sunog na liliyab. Panatilihin na nasa maayos ang mga bagay at maging positibo ang pa­­na­naw. Lucky numbers at color for the day ay 13, 12, 30, 37 at red.  

AQUARIUS (Enero 20 - Peb­rero 18) – Nasa iyo ang ka­ta­ngian at kakayahan, kaila­ngan lamang na pag-ibayuhin. Tiya­kin na may kakayahan ka na pamunuan ang lahat. Lucky numbers at color for the day ay 9, 23, 36, 42 at blue.   

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Makakakilala ng tao na sa kalaunan ay magbibigay ng kasiyahan sa buhay. Siya ang mag­sisilbing guro para matutunan ang maraming bagay sa paligid. Lucky numbers at color for the day 7, 19, 27, 32 at violet.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Sa halip na maghanap ng ibang bagay na wala, big­yang-halaga ang mga bagay na mayroon ka. Iwasan ang manira ng kapwa dahil sa inggit. Lucky numbers at color for the day ay 5, 13, 34, 41 at pink.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) Mahalaga ang magplano at isipin ang gawain nang maka­iwas sa pagsasayang ng oportunidad o oras. Huwag magmadali kung sa tingin ay may magandang oportunidad na darating. Lucky numbers at color for the day ay 10, 22, 34, 45 at purple.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Kung may hindi alam, pag-aralan nang matutunan. Hindi man lubusan na maunawaan, mahalaga na kahit kaunti ay may nala­laman. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 23, 41 at yellow.      

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Dahil sa isang malapit na kaibigan, makikilala ang lalaki o babae na makapagpapatibok ng puso. Lahat ng gustong gawin ay ipagpapatuloy dahil magtatagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 24, 38 at brown.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) –  Huwag sumuko kaagad. Magtiyaga sa pagharap ng pagsubok. Alalahanin na hindi lahat ng solusyon sa problema o hangarin sa buhay ay makukuha sa isang iglap lang, kadalasan mahihirapan ka muna bago makamit ang gusto. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 37, 44 at jade green.

vuukle comment

COLOR

DAHIL

DAY

HUWAG

LUCKY

NUMBERS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with