^

Kutob

Setyembre 10, 2014

KUTOB - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang lahat ay magagawa ko sa kalakasang kaloob ng Dios.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Maluwag at maaliwalas ang pakiramdam kung maipagta­tapat ang tunay na damdamin at pakay. Kung malinis ang sadya o pakay, walang masama kung magiging totoo sa kapwa at sa sarili. Sa trabaho, may pagkakataon na panigan mo ang isang kasamahan sa kanyang pagkakamali. Bagay na dapat iwasan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 8, 19, 33 at brown.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Ang nakaraang suliranin ay maaaring makalimutan o magkaliwanagan kasama ng kinauukulan. Magaan ang pasok ng pera sa negosyo. Umaayon ang masuwerteng pagkakataon kaya abangan at huwag paalpasin. Lucky numbers at color for the day ay 11, 20, 34, 41 at royal
blue.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – May lihim na pagtingin ang isang kasamahan o ka­ibi­gan. Huwag bigyan ng pagkakataon na ma­pagsamantalahan ang iyong kabaitan. Mag-ingat sa paglalakad nang hindi madapa, matapilok o matalisod dahil magiging mahina ang bandang ibaba ng katawan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 24, 38, 41 at lavender.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Madaling pakitunguhan ang mga kaibigan. Ang samahang pang-kaibigan ay posibleng mauwi sa pag-iibigan. Hindi ka makakatanggi ngayon na magbigay ng tulong sa ka­ibigang may kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 10, 16, 31 at pink.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Ang mga kaibigan ay maaasahan ng tulong kung kaila­ngan­. May pagkasensitibo ang minamahal kaya sika­pin­­­ na magparaya at lawakan ang pang-unawa. Makaka­kilala­­­­ ng bagong ka­ibigan na malamang makakatulong Lucky numbers at color for the day ay 10, 14, 33, 41 at straw­berry.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Iwasan ang pa­laging uminit ang ulo. Magiging lubos ang kaligayahan kung kasama ang minamahal. Mag-budget sa paggastos para may maitabi sa kailangang gamit. Ang hindi pagkakaunawaan sa kaibigan o kasambahay ay magbubunga ng tensyon. Lucky numbers at color for the day ay 7, 18, 29, 37 at white.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Masaya ang pakikisalamuhang sosyal kung bibigyan ng panahon. Ang tamang asal sa pananalita at pakikisama ay dapat pairalin. Huwag maging epokrita o masungit. Bigyang halaga at panahon ang pag-aaruga sa kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 11, 18, 36 at yellow.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Gagawin mo ang lahat ng paraan sa magulong pinansiyal na pinasukan para mapagtakpan ang iyong pagkakamali. Magsisi ka man, huli na ang lahat. Magiging leksyon ito na hindi na sana maulit. Sa buhay hindi maiiwasan na magkamali pero kapag naulit, pananadya na ito. Lucky numbers at color for the day ay 2, 8, 23, 40 at maroon. 

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Kung may problema tungkol sa pinansiyal,  huwag kang lumapit sa iba kundi sa isang Gemini na siyang tanging makakatulong tungkol sa problemang pera. Kung may suliranin tungkol sa pag-ibig, isang psychic na Libra ang iyong kunsultahin. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 19, 40 at blue. 

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) –  Ang iyong mga ka­­ibigan ang nagbibigay sa iyo ng suwerte kaya pahalagahan sila. Ang iyong malimit na pagwawalang halaga sa kanila ang nagtataboy palayo ng grasya. Kahit anong mangyari kung ikaw ay nangako, tuparin. Ang katagang lumalabas sa bibig mo ay salamin ng iyong pagkatao, na dapat pangalagaan. Lucky numbers at color for the day ay 10, 14, 31, 39 at yellow.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Malaking tulong ang magagawa ng regular na pag-eehersisyo para makapag-relax at mabawasan ang mga stress dulo’t ng iba’t ibang problema na iyong makakasagupa. Posibleng mamumuhunan ka sa pagpundar ng sariling maliit na negosyo. Iwasan ang maging negatibo para tuluy-tuloy ang tagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 5, 24, 40, 42 at red. 

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – May kasamahan o ka­klase kang hindi gaanong matalino pero masipag at matiyaga. Huwag mong ipagtaka kung mas una pa siyang umasenso kaysa iyo o maging honor student. Tularan siya para makamit mo rin ang ginhawa. Lucky numbers at color for the day ay 9, 20, 38, 39 at green.

vuukle comment

ABRIL

COLOR

DAY

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with