^

Kutob

Setyembre 2, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Walang makakapigil sa magandang plano ng Dios sa akin. Ang lahat ng kakayahan ko ay mga biyayang mula sa Kanyang kabutihan at tapat na pagmamahal.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Ang kinata­takutan mong landas ay siyang daan na maghahatid sa iyo sa tagumpay. Tiwala sa sarili at lakas ng loob ang sagot sa pangangailangan, tiyakin lamang na ang bawat gawain ay hindi labag sa batas ng tao at Diyos. Sipag at tiyaga ang sagot sa kakapusan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 14, 25, 36 at white.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Mag-ingat sa ginagawa. Tiyakin na hindi labag sa kagandahang-asal at hindi magreresulta sa kapahamakan ng iba. Tiyakin na ang gagawin o ginagawa ay nasa isip at hindi idinikta ng iba. Mag-ingat sa matutulis at mata­talas na bagay. Lucky numbers at color for the day ay 14, 23, 29, 33 at yellow.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Isang magandang balita ang matatanggap. Hindi ka mauunawaan ng karamihan sa ibig mong sabihin kaya mag-ingat sa pagpapaliwanag. Hawak mo ang tagumpay, nasa iyo kung ibubuslo mo sa goal o ipapasa sa iba. Lucky numbers at color for the day ay 16, 18, 35, 37 at blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Kung gulung-gulo sa kakaisip kung ano ang dapat gawin sa relasyong napasukan ay ito ang iyong dinaranas ngayon. Kung sa tingin mo ay walang mangyayari, walang masama kung putulin ito hangga’t maaga. Lucky numbers at color for the day ay 19, 28, 37, 41 at brown.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Anuman ang gawin sa mga susunod na araw, kailangan ang maayos na pagpaplano. Huwag magpadalus-dalos sa gustong gawin. Kung naging ugali ang magpabaya, dapat baguhin at tiyak may magandang patutunguhan. Lucky numbers at color for the day ay 13, 29, 34, 36 at beige.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Hindi maiiwa­san ang argument subalit maiiwasan ang mapaaway kung magiging mahinahon. Huwag patulan ang pagtatalo dahil nagsisimula ito sa simpleng hindi pagkakaunawaan. Kung may hindi pagkakaunawaan, sikapin na hindi mapasok sa kumpromiso. Lucky numbers at color for the day ay 17, 24, 34, 40 at jade green.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Nasa maayos na kondisyon ang mental na kakayahan. Walang puwang upang magkamali kaya kung may mga bagay na kailangang pagdesisyunan, gawin ngayon. Madali kang yayain dahil hindi mo matatanggihan subalit ang mag-ingat ay huwag balewalain. Lucky numbers at color for the day ay 12, 19, 26, 41 at pink.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Kung makakatanggap ka ng regalo ngayon, tiyak magkakatuluyan ang nagbigay sa lalong madaling panahon. Kung may makikilala na ang unang titik ng pangalan ay D, E o M magkakaroon ng relasyon at malamang magkatuluyan. Mag-ingat sa kaibigang Pisces dahil hindi kayo magkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 15, 16, 38, 43 at lilac.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Maraming gawain suba­lit kailangan ang  pahinga dahil sa tawag ng kalusugan. Iwasan ang magpagod, matuyuan ng pawis o maam­bunan dahil may kahinaan ang pulmon. Isang kasambahay ang maglalambing na dapat mapagbigyan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 8, 21, 38 at green.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Unti-unting makakamit ang tagumpay. May kaunting hindi pagkakaunawaan na mamumuo sa tahanan subalit hindi ka direktang kasali. Kung aayusin ang sigalot, tiyakin na hindi makasali sa gulo. Pasensiya at hinahon ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 13, 24, 34, 41 at violet.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Isang proyekto ang hahamon ng talino at kakayahan. Ngayon mapapagana ng husto ang imahinasyon. Tamang pag-aaral ang kaila­ngan upang makatiyak sa tagumpay. Huwag magpadalus-dalos. Lucky numbers at color for the day ay 1, 3, 32, 43 at violet.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Kung inaakala na walang pag-asa sa pag-ibig, huwag maghinanakit dahil tiyak hindi siya ang bagay sa iyo. Huwag igiit ang sarili sa ayaw sa iyo. Huwag mawalan ng pag-asa dahil ang tunay na pag-ibig ay kusang darating sa tamang lugar at panahon. Lucky numbers at color for the day ay 17, 25, 35, 40 at indigo.

 

 

 

vuukle comment

COLOR

DAY

HUWAG

ISANG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with