^

Kutob

Setyembre 1, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Mahal ako ng Dios, anuman ang mga naging pagkukulang ko.

VIRGO (Agosto 23 - Setyem­bre 23) – Sa gawa at wala sa salita ang sukatan ng tunay na pag-ibig. Kung ang manliligaw ay magbibigay ng bulaklak o chocolate, huwag nang pakawalan dahil magiging matamis at maligaya ang relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 5, 9, 27, 35 at blue.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Matatanggap ang gantimpala sa pag­papahalaga ng tungkulin o pagsunod sa mga payo ng magulang. Lucky numbers at color for the day ay 3, 17, 26, 38 at lemon green.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nob­yembre 22) – Maliksi ang katawan, maganda ang mood at isipan. Walang magiging sagabal at tiyak matatapos ang mga gawain. Sa tahanan susubukan ang iyong pasensiya sa dapit-hapon o gabi. Lucky numbers at color for the day ay 4, 7, 16, 32 at mint green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Madaling mapapaunlakan ang kamag-anak o kaibigan. Big­yan ng wastong pangangalaga ang kalusugan dahil madaling kapitan ng sipon, ubo o trangkaso. Lucky numbers at color for the day ay 11, 22, 33, 44 at gray.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Walang mapapala kung barkada ang laging haharapin. Ugaliin hindi mahuli palagi sa oras ng klase. Lucky numbers at color for the day ay 6, 11, 23, 33 at lavander.

AQUARIUS (Enero 20 - Peb­rero 18) – Mag-ingat dahil magiging malapit ka sa mga taong mapagsamantala. Maiiwasan ang hindi magandang mangyayari kung magiging alerto at hindi mag­dedesisyon ng walang masusing pag-aral. Lucky numbers at color for the day ay 16, 29, 36, 37 at yellow.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Walang maaasahang tulong mula sa ka­ibigan at kahit kanino. Sariling sikap at kayod ka ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 23, 42 at red.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Hindi sinasadya na may matutuklasang lihim. Kung nakakatuwa o nakakalungkot, panahon ang makapagsasabi. Iwasan ang masakit na biro upang hindi makasakit ng damdamin ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 25, 33 at fuchsia.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Sa mga nag-a-apply ng trabaho lalo na patungo abroad, inaayunan ng panahon ang tagumpay kung lalakarin sa umaga. Ang mga lalakarin sa hapon, huwag ituloy dahil mag-aaksaya lamang ng panahon at oras. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 21, 36 at yellow.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – May solusyon ang matagal nang gumugulo sa isipan at bumabagabag sa damdamin. Ang taglay na talino at mabilis na pagkilos ay magliligtas sa mga taong sasalungat. Lucky numbers at color for the day ay 6, 11, 28, 36 at green.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Kung may balak, ituloy at huwag mag-alinlangan. Kung sa masama ang balak, huwag gawin dahil mahuhuli o matutuklasan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 24, 35 at pink.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Sa tiyaga at sipag makakamit ang tagumpay. Sa mga tamad, kahirapan pa rin ang daranasin. Kung gustong umangat sa kahirapan, dobleng sipag at tiyaga ang gawin. Lucky numbers at color for the day ay 7, 16, 26, 36 at brown.

vuukle comment

ABRIL

COLOR

DAY

KUNG

LUCKY

NUMBERS

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with