^

Kutob

Agosto 30, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang pag-unlad ay sumasaakin, ito ang tapat­ na plano ng Dios para sa buhay ko.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Lumayo sa mga makukulit at mapagbirong kaibigan dahil iiral ang kasamaan ng iyong ugali, kung mapipikon. Maa­aring magalit ka na siyang magdadala ng tamlay. May gaga­wing pangako na hindi kayang gawin kaya dapat iwasan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 33, 44 at jade green.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Kung balak maglakbay, dapat ituloy. Malaking tulong ang paglalakbay sa sarili o sa negosyo. Dobleng ingat ang dapat gawin dahil magiging makakalimutin ka ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 15, 19, 23, 33 at orange.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Magandang pagkakataon dahil may makikilalang tao na makakatulong sa suliranin tungkol sa trabaho o personal na pangangailangan. May pagkakataon na makadalo sa isang pagtitipon na hindi inaasahan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 12, 27, 38 at citrine yellow.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) Ipagpaliban ang transaksiyon o lalakarin. Kung may duda, tiyak kapahamakan ang resulta kaya huwag ituloy. Kung may binabalak, ipagpaliban pansamantala dahil palpak ang kahihinatnan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 11, 21, 32 at aqua blue.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – May intriga sa iyo at kung magre-react, may matutuwa dahil kina­iinisan ka. Mag-ingat dahil may naiinggit at hindi natutuwa sa iyo. Huwag patulan kung ano ang maririnig upang maiwasan ang nakakainis na mangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 6, 12, 27, 38 at white.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Ingatan ang mga kagamitan lalo na ang mga mahalagang bagay dahil posib­leng may mawawala. Mataas ang iyong tiwala sa sarili at maipapamalas ang kahusayan na hahangaan ng mga kasamahan o ng boss. Huwag sayangin ang pagkakataon. Lucky numbers at color for the day ay 16, 19, 25, 33 at red.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Maging sa bahay o trabaho, susubukan ang iyong pasensya at pagtitimpi. Kung gustong hindi mapasubo, magpakahinahon at magtimpi. Huwag magpadalus-dalos dahil kapahamakan ang mapapala. Lucky numbers at color for the day ay 2, 22, 25, 41 at mustard yellow.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Huwag magmumukmok at mag-isip na walang ginagawa dahil tiyak, walang mapapala. Ang maghangad ng kaunlaran ay matatamo kung buo ang loob at sasabayan ng sipag at tiyaga. Lucky numbers at color for the day ay 8, 19, 37, 42 at royal blue.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Magandang balita ang matatanggap. Huwag magpahiram ng pera dahil masisira ang iyong tiwala. Sa gagawing desisyon, maa­aring magdulot ng magandang bunga at pakinabang. Makakasagupa ng taong sinungaling o mambobola kaya mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ay 9, 24, 35, 41 at violet.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Maghanda dahil ma­aaring may matanggap na gantimpala sa mga kabutihang ginawa o sumbat sa mga pagkakamali. Kapakanan ng pamilya bago ang sarili ang siyang dapat unahin. Matutulungan ang isang kamag-anak o kaibigan sa kanyang suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 8, 10, 15, 28 at purple.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Matumal ang negosyo ngunit magiging inspirado naman sa lahat ng bagay. Magaan at masigla ang damdamin dahil sa pag-ibig. Naaayon ang panahon para makipag-date subalit iwasan ang usaping selos dahil pagsisimulan ng hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 21, 29, 33 at red.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Ngayon iwasan na mag-init ang ulo upang makaiwas sa hindi pagkakaunawaan o alitan. May mga tao kang makakausap na nanganga­ilangan ng paliwanag at pang-unawa kaya hinahon at pasensiya ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 23, 40, 42 at brown.

vuukle comment

ABRIL

COLOR

DAHIL

DAY

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with