^

Kutob

Agosto 29, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Mahal ako ng Dios, hindi ‘yun mababago.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Kung gustong matapos ang gawain, huwag magtamad-tamaran, kumilos kahit mag-isa. Huwag aksayahin ang panahon kahit ang iba ay ayaw tumulong. Sariling kapakanan ang dapat bigyan ng prayoridad. Lucky numbers at color for the day ay 2, 12, 24, 39 at pink.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Iwasan ang mga makukulit dahil sisirain ang iyong mood. Kahihiligan kang asarin kaya maging handa. Huwag paapekto sa mga biro. Lucky numbers at color for the day ay 3, 17, 26, 41 at peach.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Habaan ang pasensiya. Mag-init man ang ulo, tiyakin na kontrolado ang emosyon. Mag-ingat dahil malamang masigawan ang kasambahay o kasamahan. Tiyakin na hindi makapagsasalita ng hindi maganda. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 29, 30 at cream.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Dis­yem­bre 21) – Isang tao na akala mo’y kaibigan ang matutuklasan, kabaliktaran pala. May magtatraydor. Ngayon matitiyak at malalaman  kung sino ang tunay na kaibigan. Huwag magsisi, manapa’y magpasalamat sa natuklasan. Lucky numbers at color for the day ay 12, 25, 37, 42 at fuchsia.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Gawin ang bagay na kailangan matapos. Ihuli ang ibang maaaring makapaghintay. Marami ang matatambak na gawain pero hindi kailangang mataranta. Gawin ang mga bagay na parang naglalaro at tiyak walang pagod at kasiyahan ang madarama. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 23, 35 at red.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Kung may gustong sabihin, huwag idaan sa init ng ulo. Mahirap kang maunawaan ngayon dahil hindi ka makikinig sa iba. Kung gustong malayo sa hindi pagkakaunawaan, maging mahinahon at makinig sa katwiran o paliwanag. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 26, 36 at navy blue.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Mana­natiling mataas ang pagtingin sa kapwa. Tingnan ang bawat panig bago gumawa ng konklusyon. Panindigan kung ano ang ginawang desisyon. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 29, 38 at peach.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Iwasan ang makagawa ng bagay na makakasakit ng kalooban ng minamahal. Dahil hahantong sa matagal na tampuhan. Pairalin ang pagkamaunawain at pasensya sa kasam-bahay at kasamahan. Maaaring may magtampo o magkaroon ng hinanakit. Lucky numbers at color for the day ay 2, 17, 36, 45 at green.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Isang tao ang makakatawag ng atensiyon. Bago mahulog nang lubos ang kalooban, alamin muna ang kanyang pinanggalingan at pagkatao. Huwag magtiwala dahil nakapaligid ang mapagkunwari. Maging alerto para hindi mapeke. Lucky numbers at color for the day ay 12, 26, 29, 41 at brown.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Ang prob­lema sa relasyon kung patuloy na magbubulag-bulagan, walang solusyon na mangyayari. Patuloy ang paghihirap ng minamahal dahil sa relasyong nanganganib na masira. Kung pagtutuunan ng pansin, madaling makakahanap ng tamang solusyon sa problema. Lucky numbers at color for the day ay 1, 13, 27, 39 at yellow.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Mag-ingat sa bibitiwang salita. Baka hindi sinasadya na makasakit ka ng damdamin. Mabuting maging tagapakinig kaysa maging tagapag-salita. Kung may sasabihin, tiyakin na walang masasaktan sa sinabi. Lucky numbers at color for the day ay 6, 25, 31, 44 at blue.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Sabihin kung ano ang gustong sabihin. Makakabuting ilabas ang sama ng loob kaysa patuloy na kinikimkim. Walang mangyayaring solusyon sa pagmumukmok at pag-iyak. Lucky numbers at color for the day ay 5, 16, 22, 30 at royal blue.

vuukle comment

ABRIL

COLOR

DAY

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with