^

Kutob

Agosto 27, 2014

KUTOB - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Malusog ang puso ko dahil hindi nagkukulang ang pag-ibig ng Dios para sa akin.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) –  Maghahangad kang magkaroon ng malaking pagbabago sa iyong buhay, kaya lamang kulang ka sa implimintasyon. Kilos! Lucky numbers at color for the day ay 16, 26, 33, 36 at fuchsia.

LIBRA (Setyembre 24- Oktub­re 23) – Sa kabila ng iyong hangad na umakyat sa hagdan ng tagumpay, tutukan ang mga plano lalo na tungkol sa pinansiyal. Lucky numbers at color for the day ay 15, 17, 30, 31 at aquamarine.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Ang susi ng tagumpay ay ang iyong kaalaman at ang magandang pakikitungo sa kapwa, umiwas sa mga negatibong tao. Lucky numbers at color for the day ay 12, 21, 33, 39 at orange.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Kung tutuusin marami kang gagawin suba­lit dadalawin ka ng antok o katamaran. Paglabanan ito dahil may umaasa sa iyong kikitain. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 32, 39 at cream.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) –  Common sense at maging praktikal ang dapat pairalin. May makakasagupa kang makulit, mapagsamantala o manloloko. Lucky numbers at color for the day ay 4, 23, 28, 37 at blue.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Ibahagi ang iyong opinyon at saloobin. Huwag ikahiya kung sino ka at ang kaya mong gawin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 5, 35, 42 at brown.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Ang hindi napagtuunan ng pansin noon ay siyang magiging prayoridad mo ngayon. May mga balak kang dapat tapusin. Lucky numbers at color for the day ay 11, 13, 34, 41 at green.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Nasa iyong sarili ang pagbabago at wala sa impluwensya ng ibang tao. Kung hanggang sa isip lamang ang pagbabago at wala sa gawa, mananatiling walang kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ay 17, 18, 39, 40 at ocean blue.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Walang pumipigil sa iyo na makamit ang iyong ninanais hangga’t nakatutok ang iyong atensiyon dito. Magpasalamat ka dahil may mga nagmamalasakit para sa kabutihan mo. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 14, 43 at violet.

GEMINI  (Mayo 21- Hunyo 21) – Mapipilitan kang maglakbay tungkol sa negosyo o personal. Kapag nagkagayon, ngayon pa lamang asikasuhin na para maiwasan ang aber­ya. Lucky numbers at color for the day ay 14, 15, 29, 34 at yellow.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Unahin mo ang iyong sarili bago ang iba. Hindi ka makakatulong sa iba kung ikaw ay nangangailangan din ng tulong. Lucky numbers at color for the day ay 12, 13, 19, 29 at white.

LEO  (Hulyo 23- Agosto 22) – Hangad mong tahakin ang landas patungo sa mas magandang career subalit magdadalawang isip ka. Maging positibo. Lucky numbers at color for the day ay 13, 22, 39, 41 at red.

vuukle comment

ABRIL

COLOR

DAY

LEFT

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with