^

Kutob

Agosto 25, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Salamat sa Dios sa bagong araw sa buhay ko.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – May pangyayaring kailangan sundin ang damdamin. Magiging mainitin ang ulo ng minamahal kaya pasensya ang kailangan. Kung ikaw ay babae dapat ipaalam kung ano ang nangyayari sa sarili at sa kapareha para maiwasan ang alitan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 27, 40 at cream.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Ang kahihinatnan ng kapusukan ay kapahama­kan na dapat supilin dahil ito ang magiging damdamin mo ngayon. Huwag sundin ang bugso ng damdamin. Makakabuti na pag-isipan ang maa­aring maging resulta ng gagawin bago kumilos. Gamitin ang utak at hindi ang damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 3, 5, 26, 34 at opal.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Walang perpekto kaya panahon na para pag-aralan kung ano ang mga pagkukulang na nagawa. Magiging basehan ang pagkukulang upang tuwirin ang landas ng pagkakamali. Kung inaakalang may kasalanan, panahon na ng paghingi ng tawad. Lucky numbers at color for the day ay 4, 7, 20, 31 at beige.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Dis­yembre 21) – Huwag hayaang lumaki ang hidwaan ng magkaibigan, magkamag-anak o magkasintahan. Madali ang solusyon kung sadyang gugustuhin. Makakabuting ikaw na ang gumawa ng paraan dahil malakas ang iyong karisma ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 5, 7, 10, 25 at mocca.

  CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Hindi ka magiging kumportable sa biro ng ilang taong makakahuntahan kaya hangga’t maaari iwasan ang grupo. Malaking bagay ang umiwas sa gulo. Gamitin ang bakanteng oras sa makabuluhang bagay upang may mapalang kabutihan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 7, 20 at orange.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Ang pangangailangan ay nasa sa iyo ngayon. Hindi maiiwasan ang lumapit sa kaibigan. Ngayon mapagtatanto kung sino ang tunay na kaibigan dahil sa kagipitan. Ang pangyayari sa nakalipas ay magiging aral ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 5, 7, 20, 36 at avocado green.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Habang may buhay, may pag-asa. Malaki ang pagkakataon na ang inaasahan ay darating o matatanggap. Maaaring may surpresang darating. Kung kabaligtaran ang mangyari dapat ibayong sikap ang gawin upang makamit ang minimithi. Lucky numbers at color for the day 3, 19, 32, 43 at turquoise.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Iwasang makipagsapalaran sa perang gagamitin sa negosyo o nakalaan sa pang-gastos. Kung may balak na magsugal, huwag ituloy dahil tiyak talo. Iwasan ang hikayat ng barkada o kaibigan sa isang bagay na walang katiyakan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 36, 42 at chocolate brown.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Ang dinaranas na katamlayan ay maaaring nagmula sa kapaguran ng mga nakaraan. Pahinga ang kailangan upang manumbalik ang enerhiya ng kasiglahan. Kung may panahon na mag-relax angkop ito sa kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 20, 33 at oak brown. 

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – May hindi inaasahan na pagkakagastusan. Ang naitabing pera ay puwersahang mailalabas. Kung wala ang pangyayaring ito, magpasalamat sa Maykapal at huwag kalimutan ang pagsisimba at panalangin. Lucky numbers at color for the day ay 8, 17, 39, 45 at baby pink.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Tiyakin na bago pumalaot, maglaan ng tulong kung bukal sa puso ang pagbibigay. Tiyakin na nasa tamang tao at pangangailangan ang tulong na ibibigay. Dahil sa maawain ka, huwag basta magtiwala dahil malapit sa iyo ang malinlang. Lucky numbers at color for the day ay 8, 23, 30, 37 at antique gold.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Kumunsulta sa dalubhasa kung may alinlangan. Malaking pagkakataon upang mapag-aralan ang panukalang negosyong inaalok. Huwag basta pumasok sa bagay na hindi tiyak ang kalalabasan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 6, 30, 41 at white.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with