^

Kutob

Agosto 23, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Si Hesus ang katotohanan, ang buhay at nag-iisang tagapagligtas ko sa lahat ng panganib.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) –  Naaayon ang pagsasaliksik sa mga bagay na dapat malaman. Kung isa kang abogado na may ipinaglalabang kaso, kaila­ngang magsunog ng kilay para maipanalo ang kinakampihan. Sa mga nag-aaral, ang pasusulit o examination ay hindi maiiwasan ngunit maiiwasan ang hindi makapasa kung pagha­handaan ng mabuti. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 32, 33 at red.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Kung nag-aalinlangan ka sa iyong gawain huwag matakot, ituloy dahil magtatagumpay ka. Lakas ng loob at determinasyon ang kulang sa iyo, kung magiging matatag ka, ito ang landas ng iyong tagumpay. Baguhin ang ugaling urong-sulong at tiyak magtatagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 4, 6, 40, 43 at aqua blue.

 LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Nasa pagitan ka ng dalawang direksyon. Sa trabaho o sa personal na lakarin. Kung mas matimbang ang lakad na pang- personal, ilagay sa ayos ang tamang “leave of absent”. Kung mag-“awol” ka sa trabaho, asahan na may mabigat na parusa. Lucky numbers at color for the day ay 18, 19, 39, 40 at brown.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Ngayon mo lakarin sa iyong boss ang matagal mo nang gustong mangyari. Madali kang mauunawaan at mapagbibigyan. Kung may kailangan kang mahalagang bagay sa iyong magulang, kaibigan, kasamahan o kamag-anak ngayon mo sabihin at hindi ka matatanggihan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 14, 36, 37 at jade green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Mabibigla ka sa sasabihin sa iyo dahil hindi mo sukat akalain na alam na pala ang iyong sikreto. Ang matagal mo nang itinatago ay matutuklasan. Mahinahon na paliwanag ang kailangan upang hindi lumala ang situwasyon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 7, 36, 41 at bold yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Maganda ang araw at walang ikakabahala. Matiwasay na magagam­panan ang tungkulin at trabaho. Walang magiging problema sa tahanan, gayundin sa mga kasamahan at kaibigan. Maaliwalas ang buong paligid. Lucky numbers at color for the day ay 3, 21, 35, 39 at indigo.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Anuman ang iyong mga binabalak, makakabuting pag-aralan muna bago gawin. Hindi sa iba nakasalalay ang iyong tagumpay kundi sa sarili mismo. Kung napag-aralan at nakakatiyak sa resulta ng gagawin, ituloy na buo ang loob at posi­tibo ang pag-iisip. Lucky numbers at color for the day ay 1, 2, 39, 40 at red. 

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Ang pagdududa sa iyong minamahal ay huwag basta desisyunan nang walang matibay na ebidensiya. Kung sa tsismis nagmula ang mga balita, hanapan ng paraan na mapatunayan ng sarili. Alalahanin na dalawang bagay lamang ang dala ng tsismis, paninira o totoo. Lucky numbers at color for the day ay 14, 17, 23, 42 at orange.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Maisasaayos ang suliranin tungkol sa pinansyal. Hahangaan ng isang Libra, Leo o Aquarius dahil sa kahusayan sa trabaho o kahusayan sa pag-aayos ng sarili. Walang magiging problema sa trabaho ngunit may kakaharapin na pagsubok sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 6, 8, 24, 44 at crimson.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Aminin ang naga­wang kasalanan. Huwag matakot na hindi mapatawad. Lalong sasama ang loob niya kung sa iba malaman ang nagawa. Ang tao ay may pagkakamali pero ang mahalaga ay marunong tumanggap, magsisi at handang magbago. Lucky numbers at color for the day ay 7, 14, 28, 42 at red.

GEMINI  (Mayo 21- Hunyo 21) – Isang kaibigan ang hihingi ng payo. Kahit kailangan na masaktan siya, gawin para malaman ang katotohanan at mapagtanto ang kanyang pagkakamali. Maging tapat sa sarili at sa kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 25, 36 at gray.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Sa bawat araw na nagdaraan, makakaramdam ng pagkainip at pagkainis sa sarili dahil parang walang nangyayari. Ito ang tamang panahon para isakatuparan ang matagal nang binaba­lak. Lucky numbers at color for the day ay 12, 20, 33, 41 at pink.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

IYONG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with