^

Kutob

Agosto 21, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Sapat ang biyaya ng Dios sa akin sa buong araw.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Ang paglilibang ay magdudulot ng kaligayahan at kasiyahan ngunit iwasan ang labis na gastos. Mahalaga ang magplano sa bagay na gustong simulan. Makakatulong ang isang matalik na kaibigan o magulang sa suliranin. Ma­ging positibo sa pag-iisip at paggawa. Lucky numbers at color for the day ay 2, 39, 40, 42 at aqua blue.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) –  May pagkakataon na mabalikan sa isip ang mga nakalipas na nagsilbing aral. Ang mga pagkakamaling nagawa ay aral na hindi na mauulit. Magiging maunlad kung positibo ang isipan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 30, 40, 41 at neon green.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Taglay ang pambihirang talas ng isip na bagay gamitin sa pagsasaliksik. Makakatawag ka ng pansin sa kausap para pakinggan. Magagawa mong makumbinsi kahit ang makulit o makitid ang pag-iisip. Matutuklasan ang gustong malaman. Lucky numbers at color for the day ay 18, 24, 34, 38 at jade green.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Taglay ang sigla subalit madaling mapipikon at magiging mainitin ang ulo. Tampuhan at hinanakit ang mapapala kung hindi paiiralin ang pagkamahinahon at pagpapakumbaba. Lucky numbers at color for the day ay 8, 27, 36, 40 at yellow.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Ang kaunting suliranin sa minamahal ay huwag dalhin hanggang sa trabaho. Isang lihim ang matutuklasan. Iwasan ang alitan at baka humantong sa tampuhan. Huwag pilitin ang sarili kung may pag-aalinlangan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 29, 39, 41 at brown.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. Kung isang Scorpio ang makikilala, magkakaroon ng relasyon at malamang magkatuluyan. May babalang gusot na mangyayari mula sa kamag-anak o tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 22, 33, 44 at red.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Tanggapin ang pagkakamali. Mahalaga ang magtiyaga. Mapapalipas ang kaguluhan ng isip sa paglilibang. Ma­ging mapamaraan sa pakikitungo sa kapwa. Ang payo kung gustong isaalang-alang ay pag-aralang mabuti. Lucky numbers at color for the day ay 2, 17, 23, 40 at orange.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Madaling pakitunguhan ang mga kamag-anak at mga kaibigan. Mapagtitibay ang relasyon sa tahanan at kaibigan. Iwasan ang maging mapusok. Maayos at walang balakid ang takbo ng mga gawain. Bagong pag-ibig ang makapagpapagulo sa isipan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 22, 35, 39 at indigo.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Maganda ang mood para tapusin ang trabaho. Isang tawag mula sa mahal ang makakadagdag ng kaligayahan. Masaya sa pakiramdam ang pagtulong sa kapwa o kaibigan. Magiging maligaya at payapa ang tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 25, 33, 34 at green.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Pairalin ang pagkamahinahon at pang-unawa dahil magiging malapit ka sa mga taong pikon at mainitin ang ulo. Huwag magpabigla-bigla at pairalin ang pagpapasensya. Kung gagawa ng mahalagang desisyon, pangalagaan ang kapakanan. Lucky numbers at color for the day ay 19, 24, 32, 33 at red.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Maaliwalas at makulay ang pag-ibig. Iwasan ang mga tsismosa at pakialamera upang hindi masangkot sa gulo. Bigyang halaga ang kalusugan. Huwag ipagwalang-bahala ang kaun­ting suliranin sa bahay o trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 16, 19, 25, 37 at sky blue.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Magkakaroon ng bagong alok sa trabaho. Anumang bagay bago pag­desisyunan, pag-isipan muna ang kahihinatnan bago pumalaot. Kung mag-a-apply ng trabaho, sa umaga lakarin at tiyak matatanggap kung tama ang posisyon na kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 26, 30, 42 at blue.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUWAG

IWASAN

KUNG

LUCKY

NUMBERS

PAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with