^

Kutob

Agosto 18, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Hind ako mababahala. Dahil bawat limitasyon ko ay pinupunan ng mapagmalasakit kong Dios.

LEO  (Hulyo 23 - Agosto 22) – Igagalang ng mga kasama ang iyong opinyon dahil alam nilang makakatulong ito. Iwasan ang mga barkada dahil magiging daan ito ng iyong kapahamakan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 21, 23 at scarlet.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Iwasan ang alitan tungkol sa selos. Kung may gustong sabihin, sabihin ng maayos. Hindi mo gusto ang darating na panauhin pero kailangang harapin ng maayos. Lucky numbers at color for the day ay 21, 24, 30, 39 at yellow.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Poproblemahin mo ang pag-aaway ng dalawang tao na malapit sa iyo. Matatagpuan mo sa araw na ito ang matagal mo nang hinahanap. Maging maingat sa mga ginagawa. Lucky numbers at color for the day ay 2, 6, 25, 36 at red.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Huwag pairalin ang katamaran. Marami kang magagawa ngayon para matulungan ang kapwa. Maaaring may magtraydor na kasamahan o kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 6, 31, 39 at fuchsia.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Ipakita ang tunay na nararamdaman. Mahalaga ngayon ang pagtitiwala para ma­ging maayos ang takbo ng relasyon. Makipag-usap sa isang indibidwal na matagal nang gustong makipagkita sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 12, 31  at indigo.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Kung may negosyo at may ka-partner, linawin ang usapan na may kinalaman sa partihan sa kita. Matagumpay na maihahatid ang mensahe para sa isang kaibigan. Lahat ng bagay ay nabibigyan mo ng pansin. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 28, 39 at pale yellow.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) Ang magagandang bagay na gagawin ay magdudulot ng postibong pakinabang para sa iyo. May dapat pasalamatan na may kinalaman sa nakaraan. May darating na hindi mo inaasahan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 14, 15, 37 at violet.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Hindi sina­sadyang mabibigyan mo ng sama ng loob ang iyong mga magulang. Kung magi­ging positibo ang pananaw, magsisimula ang maayos na takbo ng buhay. Maisasakatuparan ang pangakong binitiwan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 13, 27, 36 at rose quartz.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Huwag ituloy at ipagpaliban kung anong mahalagang binabalak dahil hindi magbubunga ng maganda. Iwasan ang pakikipagtalo lalo na sa pera. Iwasan ang maging maluho sa pagkain. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 28, 35 at sky blue.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Kumilos lagi ng tama dahil isang bata ang umiidolo sa iyo. Huwag paasahin ang isang tao kung hindi naman siya ang nilalaman ng iyong puso. Nais mong lumagay sa tahimik ngunit mayroong manggugulo. Lucky numbers at color for the day 6, 10, 21, 25 at bright yellow.

GEMINI  (Mayo 21- Hunyo 21) – Magiging suliranin ang pinansyal. Tamang-tama lang ang mga biyayang matatanggap para sa mga pangangailangan mong pisikal, intelektwal at ispiritwal. May kakaiba sa iyong ayos ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 21, 36 at pink.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Ka­usapin ang kaibigan na nakasamaan ng loob. Kung masasabihan ng puna, tanggapin ito at pag-aralang baguhin para mapabuti. Sa bahay magkakaroon ng pagtatalo sa pera. Lucky numbers at color for the day ay 3, 6, 14, 18 at jade green.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

HUWAG

IWASAN

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with