^

Kutob

Agosto 17, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Kumusta po at isang mabiyayang araw sa inyo at sa lahat ng inyong mga readers.

LEO  (Hulyo 23- Agosto 22) – Iwasan ang maging magastos. Mag-ipon para sa mga susunod na araw. Isipin ang iyong hinaharap dahil ang pagtitipid at pagsisikap ay may magandang maidudulot sa iyo. Lucky numbers at color for the day 17, 24, 39, 41 at sky blue.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Marami kang gustong gawin na hindi agad maisasakatuparan. May mga taong humahanga sa iyong katalinuhan at kagandahan hindi lang sa panlabas kundi kalakip ang panloob. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 30, 41 at tangerine.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – May isang problemang darating sa iyo na maghahatid ng matinding tensyon sa pagsasama. May tungkulin kang dapat gampanan sa araw na ito. Lucky numbers at color for the day ay 10, 26, 33, 40 at violet.

SCORPIO (Oktubre 24- Nob­yembre 22) – Maghanap ng paraan para tulungan ang isang kapatid na nagkamali sa paggawa ng isang desisyon. Maaaring ang dalawang interesado ay magtatanong kung sino ba talaga ang iyong pipiliin. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 30, 42 at white.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Importanteng sabihin ang nasa isip at nararapat na kalimutan na ang nakaraan. Ang taong madalas na makakausap ay may ibubulong sa iyo na ikakagulat mo. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 25, 40 at gray.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – May mahalagang sasabihin sa iyo ang isang anak, kaibigan o kapitbahay. May sasa­lungat sa iyong magiging desisyon. Huwag balewalain ang minamahal o ang nagmamahal sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 26, 37 at green.

AQUARIUS (Enero 20- Peb­rero 18) – May isang kasama sa bahay na sobrang malilimutin. Sasama ang iyong loob pero kailangan ng mahabang pagpapasensiya. Lucky numbers at color for the day ay 4, 7, 24, 36 at orange.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Marami kang dapat isipin kaya huwag dalhin sa trabaho ang mga personal na problema. Isang tao ang magtutulak upang makagawa ka ng desisyon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 15, 19, 38 at red.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Isang hamon ang darating ngunit hindi naman ito magi­ging banta sa kasalukuyan mong posisyon. Huwag pababayaan ang iyong kalusugan. May magandang balita na matatanggap. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 24, 35 at maroon.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Huwag kimkimin sa sarili kung may hinanakit. Maging tapat sa sarili at sa kapwa. May masasabi ka o gagawin na maglalagay sa iyo sa alanganing sitwasyon. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 24, 39 at peach.

GEMINI  (Mayo 21- Hunyo 21) –  Magmuni-muni tungkol sa nangyayari sa personal na buhay at mga taong kasangkot dito. Ang maging mapagbigay at maalalahanin ang ta­nging paraan upang mapalapit sa lihim na mina­mahal. Lucky numbers at color for the day ay 4, 16, 27, 31 at brown.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – May mga taong maghahatid ng positibo sa iyong buhay kaya siguradong malalagpasan ang problemang dinadala. Hindi kailangan na maging magarbo o magastos para matiyak na maging maganda ang impresyon ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 11, 23, 39, 44 at pink.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

HUWAG

ISANG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with