^

Kutob

Agosto 16, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang grasya ng Dios ang tumutugon sa lahat ng pangangailangan ko.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Mag-ingat ngayon sa mga sasabihin lalo na kung may kinalaman sa trabaho. Habaan ang iyong pasensiya. Huwag pabigla-bigla sa pagdedesisyon, maging alerto. Lucky numbers at color for the day ay 2, 14, 27, 33 at fuchsia.  

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Kalituhan ang ihahatid sa iyo sa araw na ito. Kung wala kang tiwala sa iyong sarili, ipagpaliban ang paggawa ng desisyon. Iwasan ang panghuhusga sa kapwa dahil maaaring ikapahamak mo ito. Lucky numbers at color for the day ay 3, 10, 17, 35 at pink.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Isang tingin mo pa lang sa trabahong iaatas sa iyo, alam mong ito’y nakakapagod. Gayunpaman, sisimulan mo ito at pagbubutihin. Kung nagkamali, matutong humingi ng dispensa. Kung may nagkasala, matutong magpatawad. Lucky numbers at color for the day ay 1, 14, 16, 30 at blue. 

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Tibayan ang loob sa mga pagsubok. Huwag asahan ang iba kundi ang sarili. Hindi iba ang gumagawa ng iyong kapalaran kundi sarili. Kung hangad ang kaunlaran, plano at kilos ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 14, 30, 42 at red.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Wala ka sa posisyon para pangunahan ang desisyon ng isang kapatid. Simulan ang pagbabago at pagtuwid sa mga pagkakamali, tiyak nasa unahan ang tagumpay na gustong makamit. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 28, 32 at indigo.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Magpapakita ng suporta at malasakit sa kapwa. Maging mapagbigay sa kahilingan ng isang kaibigan. Dobleng pag-iingat ang dapat gawin sa araw na ito. Lucky numbers at color for the day ay 7, 25, 30, 39, 41 at white.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Sikaping makalimutan ang nakaraan. Makikilala ang isang tao na magpapaunlak sa iyo. May tsansang muling tumibok ang puso. Lucky numbers at color for the day ay 13, 15, 26, 40 at beige.

PISCES (P Pebrero 19- Marso 20) – Libangin ang sarili kasama ang mga kaibigan dahil tiyak na magiging masaya ang araw na ito para sa iyo. Kukuha ka ng kurso na makakadagdag sa iyong talino. Lucky numbers at color for the day ay 6, 20, 31, 44 at green.  

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Makakahalata ka na tila maraming responsibilidad sa araw na ito. Gawin kung ano ang iyong makakaya. Maaabot mo ang iyong ninanais kung ipagpapatuloy ang pagtitiyaga at pagsisikap. Lucky numbers at color for the day ay 1, 13, 27, 42 at indigo.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Suswertehin ka sa trabaho. Kung aalukin na mamuno sa isang grupo sa trabaho, tanggapin ito. Bigyan ng importansya ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 29, 30 at avocado green.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) –  Hahangaan ang iyong kabaitan at kakayahan na magpatawa. Isang kaibigan na matagal nang hindi nakikita ang tatawag sa iyo. Ngayon, makakaasang matutupad ang ipinangako ng minamahal. Lucky numbers at color for the day ay 12, 25, 39, 41 at dollar green.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Gumawa ngayon ng mga plano na makakapagpasaya sa pamilya. Maganda ang araw na ito para kayo ay magsama-sama. Mahihirapan kang ihayag ang iyong saloobin tungkol sa mga isyu sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 3, 15, 28, 33 at brown.

vuukle comment

ABRIL

COLOR

DAY

IYONG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with